Saturday, April 6, 2019

BATANES- Must Know




Arrived at Basco Airport Terminal from 1 hour and 45 minutes journey sa kalawakan. This is the only passenger airport of Batanes Islands, wala ng iba pa!

We've booked our flight via Philippine Airlines for 10k round trip (promo pa to teh!) and since PAL does not cater passengers coming from NAIA Airport going to Batanes malamang komang wala kaming choice kundi gumora sa Clark Pampanga! Haggard beh! Effort kung effort talaga but all worth it naman as the journey up in the air was payapa. Kudos Philippine Airlines for always having that smooth ride! iba kaaaaa!!


Anyways, pagbaba palang namin ng Airport sasalubong na sayo ang nagwawalang hangin ng Batanes, oh yes! This is the reason why sometimes the plane would just go back to Manila kahit na nasa kalangitan na sila ng Batanes. Kung bakit? Pwes hindi ko alam! Probably takot ang piloto? I am not sure! 

Susme day! Idagdag mo pa ang runway ng airport na pagka iksi iksi. Kung ano yung runway palipad yun din ang runway ng bababaan so wag kayong ano! Ipag pray over natin ang ating mga poging piloto ha dahil doon talaga ako natakot ng bery light.

Beware: paglapag ng plane, magbrabrake agad ang piloto so kumalma lang. Wag mag panic. Wag aligaga!

Anyways- according to some locals here ang pinaka matapang daw na Piloto is from Sky Jet  (dewow) at ang pinaka duwag naman daw is from Cebu Pacific (no offense meant) and thats according to them! wala akong kinalaman dyan!

P.S- Just dont mind my super white face dahil kaka retouch ko lang nan, ang pansinin nyo yung mag jowang shibuli boom boom sa likod ko na super picture. Ilang beses ko ng sinabihan na tumabi ayaw makinig ang kakapal ng muka!






Oh ito na naman tayo ha? Para sa mga level one monkey ang utak. Saan na naman ba ang Batanes kasi?

This map will show you where I am at right now, binilugan ko na for you, nakakahiya naman sayo! 

Totoong totoo rin na tatlong kembot, apat na split, dalawang tumbling, at anim na limborack lang ay nasa Taiwan ka na, so dont be amazed that it is literally that near to our Taiwanese neighbors because it really is!

Meron lang talagang mga suminghot ng sunog na goma na tinatanong kung anong BUS ang papuntang Batanes. Muntanga! Mga adikkk!

Anywaysss, don't be shocked na minsan ang maririnig mo sa radio station are from Taiwan na, ganun talaga! 

If you would notice, open sea ang dadaanan ng eroplano dyan jusko! Ito ang mga ayaw kong eksena na puros dagat talaga habang nasa plane, para bang naiimagine ko minsan na kapag nag crash ang haggard kong mamamatay. Hindi nakaka fresh! Imagine bloated ako at ang chaka? Ewww! 

Sus! kunwari ka pa, e ikaw nga nagiging religious ka lang kapag nakasakay sa eroplano. Wag ka nga! So magnilay nilay while on your way and always pray, okay?







So ito na nga- after we had our sumptuous lunch at Harbour Cafe, we immediately called our tour guide to pick us up dahil nga naka borlog naman ako sa plane at kayang kaya na ng powers ko rumampa, so ito na ngaaaa ang bumungad saken! Punyatera talaga sa ganda besh! parang gusto kong lunukin yung mga bundok bundok na yan sa ganda.


Anyhoo- This is what the trike looks like at Batanes, they call this "Cogon" for whatever reasons. Infairview sa mga Cogons nila very class ang bubong at ang upuan! Very sosyal! Very comfortable! Walang binatbat ang tae taeng tricycle natin sa Manila talaga.

Pero going back tayo sa original hanash, Iba talaga yung view beh na dadaanan mo, anlakas maka New Zealand feels! I felt really emotional when we were on our way- it made me feel like Im in a totally different planet (gusto mo yung planet?) Seriously! the scenery all over are like paintings, I could not put it into words so I am sharing this video for you to see.


P.S- Click HD wag shunga.


This shot was taken at Homoron and its also known as Blue Lagoon. Ewan ko ba kung bakit pinapalitan ng mga turista dito ang pangalan. The real name of this place is HOMORON and NOT Blue Lagoon, PLEASE for the love of God lets stick to that. Hindi tayo ang masusunod. Okay?


Anyways- In my own opinion and point of view I actually don't recommend a DIY trip in Batanes. Why do I say so? Thing is, the tours per se are expensive at kahit kumontrata ka pa ng mga tricycle mapapamahal ka lalo. So what did I do? I went through Batanes Casscapades Travel and Tours and yes I got their 4days 3nights package at hindi naman ako nabigo. From home stay accommodation to tours all sulit! Walang halong ka plastikan at ka fame-whoran. 


Please visit their FB page for more info dahil minention ko na dyan. Wag na namang shunga shunga! The owner is very accommodating and she will make sure to answer all your queries that you have in mind.

P.S- May mga nabasa lang talaga akong ibang blog for Batanes na nuknukan ng ka sinungalingan! Meron lang talagang blogger na pabida na ang press release nya is 6k ALL-IN sa Batanes? Parang suminghot ng zonrox ang hype! Sarap bigwasan! Sarap konyatan! Ano??? makakuha ka lang ng maraming likers at followers sa paandar mong ganyan? Gutom na gutom sa atensyon?? Wala kang Mama?? 

Sige nga paanong 6k all in- paki explain with feelings and actions! Kahit ata promo sa fare e halos 5k ang pinaka mura (as far as I know) e ang mga tours, home stay, pagkain mo? Kapag yang mga turistang naloko mo kumain ng damo sa Batanes sa mga paandar mong ganyan sinasabi ko sayo ha. Che!


Na high blood talaga ako sa previous caption ko- anyways- this is at Marlboro Country at dito talaga ako nagwalwal wantusawa. Kapag pupunta kayo sa Batanes, gawin nyong FINALE ang lugar na ito which means dito kayo mag change outfit multiple times! dito kayo lumiyad, humiga, mag tumbling, magwala, magsusumigaw, bahala ka kung anong gusto mong peg buhay mo yan.

Dito mo na rin kainin ang mga damo na yan kung vegetarian ka. Lundagin mo na rin yang dagat sa likod ko tutal gusto mo ikaw laging bida. Gow!!



P.S- Lagi ko tong inaadvice sa inyo. Kapag ganito kagandang lugar. Wag ng i-GOOGLE ang caption jusko! Wag na wag! dahil anlakas maka timang ng ganyan! Halata namang hindi galing sa utak mo tapos ibibida mo? Tapos susundutan mo pa ng bible verses? O tapos? Feeling mo ikina talino at ikina banal mo yan? Muka kang TANGA sa totoo lang so PLEASE itigil ang ganyang kayagitan!










If you want to achieve that famewhore shot just like what I did then gow! Ingat ingat lang sa mga motor at truck na bigla na lang sumusulpot. Ingat din sa mga baka, kalabaw, kambing, manok na bigla na lang bubungad sayo. Say hi to your kamag anaks!


Infairness talaga sa mga kalsada ng Batanes anlakas maka fresh! Dito lang ako sa lugar na ito hindi kinulangot. This is really a must visit place in our country! As in!



Oh before I forget- Batanes comprises of three Islands namely BATAN, SABTANG and ITBAYAT and more info will be tackled in the next few slides so lezgo!





This is at Sleeping Beauty kemerut. 



Ang sabi nila sleeping beauty daw talaga yan so shut up na lang tayo. Kahit ilang beses kong tingnan yan from a far hindi ko talaga gets kung bakit naging sleeping beauty yan, pwede pa siguro yung "sleeping" pero yung beauty? San galing yun??


Anywaysss- Majority of the tourist spots in Batanes ay nasa gilid lang ng kalsada. Magugulat ka na lang talaga na biglang hinto si kuya tour guide so kumalma ka because it only means na iready mo na ang camera, go pro, cellphone at kung ano ano pang pang fame-whore mong gadgets.


Please make sure that your power banks are fully charged dahil malolowbat talaga ang lahat ng gadgets mo. I super swear! Dito lang sumabog ang memory ng cellphone ko so hinay hinay sa picture at baka hindi mo ma upload sa social media sites mo yan. Kaw din geh ka hindi ka na famous!


Hindi ko rin talaga alam kung ano ang pinaglalaban ko sa video na to. At hindi ko rin alam kung magbebenta ba ako ng insurance or encyclopedia sa paandar kong outfit na ganyan. Lakampake! Parang sinapian na naman ako ng mga kambing at kalabaw dito sa Batanes. 


I think my only point is- yung BLOW UR HORN keme na yan ay makikita mo kahit saan, yun lang yun! dont overthink, dont super over analyze!


Ikamamatay ko pa yung ginawa ko dito dahil sa pag eexplain ko sa lecheng BLOW UR HORN na yan e samantalang very self explanatory naman yan. Mantakin mong biglang may dumaang truck ng semento diba?? Muntik pang sementuhan ang bunganga ko dahil kuda ako ng kuda.

Anyways, this is at Payhawsan. Kalsada lang yan teh! Talagang pinahinto ko lang si kuya tour guide dahil gusto kong mag video video dyan. Period.





Nakakapagod ng humanash! Tingnan nyo na lang ang paligid at ang hotness kong nakakaumay ðŸ˜‚ 


This is still at Marlboro Country.


Did you effin know that the real name of this place is Racu a Payaman?

Hindi ko alam kung bakit kailangang mga turista ang magbansag ng mga pangalan sa Batanes. Wala tayong karapatang ibahin! So please umayos naman! Di ko lang kasi gets na yung mga tour guides iba ang tawag nila versus sa tawag ng turista. So sila mag aadjust??? Ang kapal naman ng muka nyo kung ganun.

By the way- this is also a good spot para ilabas mo na ang mga screen shots na iniipon mo for caption. Dyan ka magaling diba? Yang mga memes na sinave mo sa phone mo at naka schedule pa kung kelan mo ilalabas? pwes! dito mo na ilabas yan! Walang pipigil sayo! Gow for the gold!


P.S- ang hot ko no?



From the name of this place "Honesty Store" this is where you should be honest all the way! Para sa mga mandarambong, mandurugas, manloloko, magnanakaw, mga demonyo, mga satanista, mga plastik, mga sugo ni satanas, mga animaaal then this place is really a NO NO for you. 


Sabi nga sa movie na "Youre my boss" ni Pareng Coco Martin at Tita Toni Gonzaga, 


"Grabe no? Ganito na ba ka RARE ang honesty at ginagawang tourist attraction?" 

But that makes total sense! Because honesty is such a lonely word. Everyone is so untrue. ( kinanta mo no?)

P.S- there is really nothing special about this store so dont expect more. Tindahan lang talaga to teh! Dito ako bumili ng Coke Zero at pa-monay nila dahil nauhaw ako at nagutom ng slight an

d thats it. This place is just few steps away from Ivana port going to Sabtang. Yun lang yun! Okay?










For me lang ha. This is a perfect outfit when you do your tours here in Batanes. Kung kinakailangang mag bonnet at gloves geh gawin mo. Hindi ko sinasabing perfect akong tao but you need to cover your entire skin para iwas ulikba pagbalik ng mga bahay natin dahil nga super jinit at super madamo! 

 Dito ko rin na achieved ang pawisang kili-kili! Pawisan in all levels of kapawisan. Laban na laban ang pawis ko dito jusko!

Maling mali rin talaga na nag shades ako dahil paghubad ko nan para akong Kung Fu Panda! Naiwan yung puti sa mata ko at di ko knows kung bakit, medyo epic fail mga mars at pars so better wag na lang mag shades para pantay ang kulay.


Reminder: The sun block needs to be applied every 30minutes. Wag ng mag foundation, primer kapag andito dahil panigurado lusaw yan sa init. May mga nakasalubong lang talaga ako dito na contodo bb cream at maskara pa, meron pang nagpakulot, talaga ba? akala mo naman pageant ang pinuntahan so sana please umayos at maging natural.






Hindi ko na matandaan kung saan ang light house na to. Sa dami ng lighthouse sa Batanes gusto mo isa isahin ko pa for you? Okay ka lang?? Pumunta ka dito and experience it yourself! Wag mong iasa lahat sa blogs ko, masyado ka namang sinuswerte??


Anyhoo- Here is the breakdown of my expense for your reference. Kakahiya naman sayong hindi ko ishare! May pagka demanding ka pa namang impakta ka.


Fare- 10k (roundtrip)
Tours/accommodation- 7500 (4days 3 nights with breakfast and lunch)
Additional kemerut- 3500 (pasalubong, pambayad ng kung anek anek na environmental fees, sodas, mga chitchirya, mga prutas, tip sa tour guide and souvenirs at kung ano ano pang hanash ko)



Total: 21,000 even! Pak! Ilaban nyo na rin ang Batanes anong malay mo naman at dito mo makamit ang peace of mind na hinahanap mo. Gow na dito dali naaaa! Walwalan to the max ang labanan dito bilisan mo leche.



This is at Mihawsan Chenelin. This video will explain what I wanted to say. Panoorin nyo na lang! Wala ka ring pakialam kung umaccent ako dito, bakit ka ba? at mas lalong wala kang pake na ang pronunciation ko ng "behind" is "BAHAYND" because that is the right pronunciation when you grew up in the United States. Char!

At shut up ka na lang kung ang pronunciation ko ng Batanes is "betenes" because thats the way it should be! 

On a serious note- gustong gusto ko na talagang liguan yan. Kundi lang ako contodo outfit talagang lumundag na ako dyan ora orada. And just what I've said- hindi ko sure kung bakit walang naliligo sa ganyan kagandang dagat? Ganyan na ba kasawa ang mga Ivatan sa napaka gandang beach? Anyways, ang hot ko no? Kaka powder ko lang nan.

P.S- pasensya na boses ipis. Naiiihi na ako nito.






This is at Chamantad Viewpoint.

Nakakapagod humanash hanash sa blog ha. So namnamin nyo na lang ang ganda ng karagatan at bundok all rolled into one. 

Paulit ulit ko na tong sinasabi sa lahat ng blogs ko at uulitin ko ulit. Dito nyo inggitin ang mga kumare, kumpare, mga tropa at kamag anak nyong walang ginawa kundi makipag plastikan sa inyo! Ewan ko na lang talaga kung hndi sila lumuha at maghuhumiyaw sa inggit kapag nakitang narito kayo. Gow! Push! Haduken!

Anyways- I am not sure if you have read my other travel blogs na pwedeng ipang inggit sa mga friends mo ngayong summer. But you may want to check these out. Push mo yang pagpapa peymus mo gow! Below are the links for your perusal. Kini-click ang mga links na yan hindi tinitingnan. Wag tungaw.

EL NIDO:


ILOILO:


SIARGAO: 


JOMALIG:






This is at Basco Lighthouse. 



Dahil nga ayaw kong pakabog sa picture talagang inakyat ko yung lighthouse na yan at lakampake! This is where you can atleast see the beauty of Batan.

Ingat sa mga pabida dito. May grupo lang talaga na barkada na andito kanina na nag stay ng 36minutes, ang kakapal ng mga apog! oo inorasan ko! Bakit may mga ganung tao?? Feel na feel na sa kanila yung lugar? Muka namang mga rambutan!! Nakakairita! mabuti sana kung ang frefresh ng itsura mga muka namang kawali! Kabanas! 



The weather pala in Batanes is so unpredictable. Bigla na lang lalakas ang hangin ng walang sabi sabi sabay biglang aaraw! Parang may sapi at kulam ang weather dito so I strongly suggest to bring extra clothes like jacket, sweat shirts and the like. Okay??




Going back tayo sa Homoron or Blue Lagoon na yan ha. Pwede kayo mag lunch dito dahil to be honest medyo walang tao dito, surprisingly! Its a good thing for people like me dahil ayoko nga ng matao, anlakas kasi maka sira ng araw ng iba. Hindi ko nilalahat ha pero may mga timawa lang talagang ang lakas maka negative vibes kapag nasa paligid.


Anyways, totoong totoo rin na dito kayo pwede mag all the way! Sige! Hubarin nyo na lahat yan! Dito nyo na ipakita ang mga lubot nyo gow! mag 2 pc, 1pc, tangga, bikini, nipple tape kayo dito pramis walang pipigil and this is really a good spot to make awra dahil nga walang mga tao. Walang mga yagit fountain! Walang mga sugo ni satanaass!

Have fun and enjoy sa pag aall the way! Share your pics kung maari.Tsup!






This is at Boulder Beach.


If there is one place in Batanes that confuses me bigtime was this place. Hindi ko talaga alam kung saan nanggaling yang mga pang hilod na bato na yan. I dont know dahil nagkumpulan sila sa pampang! Aba syempre, dahil wala rin namang ganap dito so hinigaan ko na yan. Laban na laban ang pag higa ko dito ano ho? 

Maling mali lang na higaan ang batong may tinatagong kamandag like its so masakit pala sa likod na higaan sila. Like its parang may tusok tusok in some part? Does it make sense ba? 

Wag na wag tangkaing maligo dito dahil hindi ka sasantuhin ng mga alon sa dagat at baka mapadpad ka sa Taiwan sa pagpapa bida bida mo. So dito lang tayo sa bato batong part at mag nilay nilay.

P.S- Para sa mga MALIBAG then this is your time to shine! Meaning dyan mo ikuskos ang katawang lupa mo hanggat matanggal ang libag mo, or better iuwi mo yang mga yan, geh iuwi mo hanggang mag excess baggage ka gow! Ewan ko na lang talaga kung hindi pa matanggal ang mga sumpa mo sa katawan. Pesh!


Ayaw din pakabog ni kuya photo bomber ano ho?










This is at Port Ivana and this is where you can buy your tickets to get to SABTANG island. Hindi naman ako na inform na para palang pila ng NBI ang pila dito. Parang may fiesta!

Anyhoo- Did you know that Sabtang is the smallest island of Batanes? Oh yes! Alam ko lakampake sinasabi ko lang.


This is a 30minute boat ride going to Sabtang. If you can see at this pic- kita mo lang talaga yung Sabtang. Ayun oh! Yung kabilang isla lang talaga sya. Muka lang talaga syang malapit pero hindi! Kung ayaw mong sumakay ng bangka e di languyin mo yan. Ewan ko na lang talaga kundi ka lamunin ng Pacific Ocean sa pag papa bebe mo.

Hindi ko alam kung magkano ang pamasahe sa bangka. Pati pamasahe ako pa?? Tigas na ng muka mo beh kapag ganyan so umayos.

Anyhoo- yan na mismo ang bangka. Oo yan na yun! Muka lang maliit pero kasya ang sandamukal na tao dyan kaya wag ng choosy! Wag ismolin ang bangkang yan dahil may sakay pa yang tatlong motor kanina. Alam mo kung ano na lang ang maganda mong gawin? Kumalma ka. Period.



This video will show you how the biyahe going to Sabtang would be. Ay boy! Walang katig ang mga bangka sa Batanes kaya wag kayong magulo! The alon is just so malakas talaga! There are times na magiging religious ka na naman sa ganitong eksena. Pwera biro! There was a time in here lalo na yung malapit na kami sa Sabtang na talagang akala ko katapusan na ng buhay namin because of the big waves, as in BIG mars! Malaki, dako, daks, huge!


The bangka here in Batanes are intentionally made na walang katig. O ano na naman ba yung katig na yan? Para sa mga shunga, yan yung dalawang support sa gilid na made of kawayan gets?? pero dito hindi uso yan. The reason is, dahil sasabay lang talaga sa alon ang bangka. Hindi sya pwedeng mag maasim dahil bangka lang sya at dagat ang kalaban nya gets mo??



Just to add- kung takot na takot ka sa alon at gusto mong sumigaw PLEASE sumigaw ng walang tunog or better tumili ng petite. Hindi makakatulong ang pag ngangawa mo sa bangka at baka iitsa ka nila kuya bangkero sa dagat sa kaartehan mo.





So after that pakikipag sapalaran namin sa mga alon we have finally reached the island of SABTANG, medyo nahaggard ako sa mga tilamsik ng alon sa face ko pero hayaan nyo na, ang hot ko pa rin naman daba?


Kung nagtataka ka kung bakit ba ako laging naka jacket dito ay beshiewap! Iba ang hangin dito sa buong Batanes, yung mga malnourished at dose ang bewang for sure tatangayin ka talaga so maghandaka! Yung mga napabayaan sa kusina at jumubis then you are at the right place, panigurado walang laban ang hangin sa katabaan mo so gow na dito dalee!

Also, may times talaga na super jinit jackson dito in other words ipapaligo mo na naman ang sun block sa sobrang init! Gait na galit si Sunshine Dizon sa sobrang init talaga. So just like my Siargao blog- lunukin ang sun block kung ayaw umitim, okay?

Oo nga pala the tours in Sabtang is only half day (8am to 1pm) Pero nasayo pa rin yan if you want to stay here overnight dahil may mga homestays na rin dito, or if you want dito ka na tumira kung hayok na hayok ka. Bahala ka!




This is at White Beach and also known as their mini Boracay located just beside the kalye.


Dadaanan mo lang talaga ito when you're under South Batan Tour pero dahil nga bet na bet kung mag bikini talagang hindi ko na rin pinalampas ang pagkakataon. Lamoyan! 


At first, I thought ako lang ang tao dito because walan naman akong nakita when we got here. In a few minutes, jusko biglang naglabasan sila inday from nowhere at nakita nga nila ang pa-bikini ko. Medyo shocked sila because they saw a real daks anis. Oh well. Need I say more?

Also- yayain mo dito ang mga friends mong plastic at dito kayo magplastikan to the max! Dito mo sya ingudngod sa mga buhangin dyan gow!


Oo nga pala wala masyadong afam dito ha? So ung kalandian mo please ibulsa muna. Yang afam goals mo hindi uubra dito so enjoyin na lang ang nature at namnamin ang ganda ng Betenes or better namnamin ang alindog ko.





From the name of this place "Spring of Youth" this is where you can achieve that "youthfullness" just by swimming in here.


This is at Spring of Youth on a different perspective. Oh yes! This is at effin Spring of youth na walang tubig! Jusko! Nakakagalet! Pagkatapos kong mag trekking sa bundok at hingalin ng bongga ito ang masisilayan ko?? Parang gusto kong ihagis si kuya tour guide dyan ng walang sabi sabi. Char lang! Hindi ko alam kung galit ba saken si kuya na sinadyang puntahan to ng Friday! Lechugas talaga!

Anyways, Mondays and Fridays are a NO NO days for you to visit this place. Wag kang tumulad saken na ngangabells! Tae tae talaga! Those days are cleaning days nila, At dahil nga gusto kong ipakita sa inyo ang Spring of Youth ng walang tubig oh eto yun! Okay na??

Nagpicture na rin ako as remembrance kahit masama ang loob ko. Sa mga nagtataka kung ano bang meron dito, para lang tong swimming pool! but the water came directly from bundok kaya sya nagiging blue. Gets?


To be honest, hindi ko knows kung anong itsura ng lugar na to kapag may tubig so ishare mo nga sa comment. Geh inggitin nyo ko ng sagad. Geh.


This is at Spring of Youth on a different side. Oha? Anong akala mo saken hindi ko magagawan ng paraan maligo dito? Hell no! At dahil nga pinagkaitan ako na walang tubig sa main Spring of Youth keme, dito ko sa spot na ito ibinuhos ang sama ng loob ko. Wag nga kayo! Dito rin galing ung tubig na nilalagay doon so for me this is much better kumpara doon sa kabila. Walang halong bitterness!

You need to pay 50 petot for entrance fee. Wala ng libre sa mundo baks so siguro naman hindi nyo ikakahirap yang entrance fee.

Anyways- kung najejebs at naiihi they have restroom in here. Dont expect a super fancy restroom dahil hindi mangyayari yun. Wag baboy ha? Wag na wag umihi or jumebs sa main Spring of Youth keme. Umayos. Maging propesyonal.

            P.S- Ang hot ko pa rin kahit malaki ang tyan ko no



Me wearing their famous "Vacul". Dahan dahan sa pag pronounce beh at baka yang kabastusan mo hindi mo macontrol. Its VACUL and not that thing in your mind.

I am not trying to make fun of their ancient costume. I am here to become BEYONCE, char!


Infairness sa Vacul na to anlakas maka panangga sa init. Kaya pala ito ang ginagamit ng magsasaka nila, it is really a must wear when you go to palayan.Medyo hindi ko lang keri ung parang walis tambo na sumasayad sa batok ko. Medyo makati teh, medyo ewwy? Lamoyun? pero for the sake of picture kailangan kong mag tiis!

This picture is also my eye opener na hindi pala bagay saken ang blonde. Para akong baklang kanal.

Oh, you need to pay 20 petot to rent this keme. Dont forget to pay after you use this ha. Wag gahaman.






This is still at White Beach and this is my favorite video here in Batanes. Aside sa lumutang ang alindog ko dito, talagang achieved na achieved ko ang hotness ko diba?? Oh ano laban ka? Bikini for the win tayo mga besh! Labaaaan!

Dito rin natakot ang ibang turista nung nagtatakbo ako dito ng naka bikini lang. Lakampake!

Nakikita nyo ba yung mag jowang nasa likod ko? Kanina pa sila dyan! Hindi ko alam kung nakikipag usap ba sila sa mga halaman or what. I dont know kung ano ang ginagawa nila dyan at kanina pa sila may inaabangan dyan, nag aabang ata ng baka at kambing for picture? Inaantay nilang tanggalin ko ang bikini ko? I dont know! so hayaan na lang natin. Focus kayo sa 4 layers bilbil ko and daks na anis.

Anyhoo- for you to achieve that hotness like mine, hindi pwede ang excercise lang kailangan nyo ng detox juice so umorder na kayo agad agad! Wag ng magpatumpik tumpik! Just visit my store at SAGUIAFINSDELIGHTS.COM and live sexier like me! Ikaw na lang ang hindi umoorder! Dalian mo naaaa! =

P.S- kakakain ko lang nito sa Blue Lagoon so busog ako. Okay na? Maawa kayo sa REPLAY button. Wag nyo akong pagpantasyahan. Para nyo ng habag!


Hindi ko na maalala kung saan to. Sa dami ng tour wag kang mag expect na isa isahin ko for you. Hibang ka ba?

Yung mga timawang nagtataka kung bakit ako naka suit. Bakit yung naka dress ka bang bulaklakin na parang paso na lang ang kulang pinakialamanan kita? Nung nag floral polo ka ba dito na hindi mo naman keri sinita kita? Nung nag pekpek shorts ka bang halos kita na ang kuyukot mo kumuda ako? So in short lakampake okay??


Enjoying the weather and the view here when suddenly si kuyang nagpapastol ng baka ay biglang NAGSIGA! The usok you can see beside me are not clouds wag shunga. That is an usok from sinusunog nyang tuyong damo!

Hindi ko alam kung badtrip ba si kuya na andito kami. Naubo ako ng bery hard sa pa-siga nyang ganyan. Medyo hindi nakaka fresh!

Anyways- the spot behind me is where you can perfectly have a picture taken at kitang kita ang buong karagatan at bundok combined. The people behind me were like kanina pa yan at ayaw talagang mag sialis. Ang titigas ng bunbunan! Di makaramdam! Kung pwede lang hagisan ng five star yang mga yan nakakainis! Haggard talaga ako sa mga photo bombers dito sa Batanes besh pero dahil nga ayokong ma high blood na naman sige sinama ko na rin sila.


I am not sure if you have seen the pic uploaded earlier (kung saan ako naka suit) pero this is still at Blue Lagoon also known as Homoron. Hindi pwedeng hindi ko to babain! Hinding hindi!Kelangan kong i experience ang napaka gandang lagoon na ito so ito na nga if you are still not convinced about me being "daks" then youre free to zoom it.

Be discreet sa pag zoom at baka madilaan mo ang cellphone mo sa kamanyakan mo. Umayos. Ilayo sa mga kids ang ganitong eksena.

Maiba tayo ha. Yung mga taong "concern kuno" na nag memessage na bakit daw ako nag bikini dito? keso ganun ganyan. Hoy!! Ano ba ang dapat isoot sa lagoon?? Pantalon na maong? Slacks na black? Cordoroy? Pajama?? Ikaw ayus ayusin mo yang mga tanong tanong mong ganyan dahil ikaw ang hindi nakakatuwa! Ihahampas ko to sayong bikini ko talaga!



Did you know that Batanes islands are part of CAGAYAN region? Oh may bago ka na namang natutunan! Mag thank you ka! Youre welcome! But that doesnt mean na pwede kang mag bus papunta dito from anywhere in Luzon. Wag parang ngumatngat ng moth balls ha?

According to some locals, the good months to go here in Batanes are April and May because wala ng ulan at kalmang kalma na ang hangin. It is okay to go here March dahil malamang andito ako ngayon diba?

Ivatans are really nice people. In my experience, they will always say hi to you when you pass by. Thank you Ivatans for welcoming us tourists in your beautiful islands! Too bad I wasnt able to visit Itbayat (largest island of Batanes) thing is, going there will take 3hours boat ride at mahal ko pa ang buhay ko para makipag sapalaran sa galit na galit na alon so sana next time if God permits.

Itbayat is also considered a "stranded island" because there is no guarantee for a return, they will just based it from the alon of the karagatan and I thank yewww!

There are ALOT of things I didnt share about Batanes as in ALOT- thats why I am planning to be back soon and that time lets uncover the secret of ITBAYAT.

Overall experience was superb! Sinabi ko sa sarili ko na babalik ako dito kahit anong mangyari at kapag nangyari yun kasama ko na si Mudra, Pudra at mga shupatembang (kapatid) ko. I want them to experience what I had experienced here. Hindi sapang aano but BATANES is a place where peace, beauty and relaxation all come together. Dito lang pumayapa ang baliw na kaluluwa ko.

P.S- Yung mga nagsasabing mahal pa ang Batanes sa Hongkong, Singapore,Taiwan and Bangkok pwes! Wag kang pumunta dito! Walang pumipilit sayo! And dont you dare compare BATANES to those places dahil not even close. This is purely nature and the experience is incomparable! I shall be back real soon! 

Thank you so much BATANES you are a beauty and I'm so hot! 

Magplastikan tayo sa social media sites ko. Follow nyo ko daleeeee! Or kung ayaw nyo dito na lang sa personal account ko leche.

IG: richsaguiafin
Facebook: Richmond Saguiafin TV
Youtube: https://www.youtube.com/channel/UCCs-W-gZQFnGTzTt2-MnpRg


No comments:

Post a Comment

Bonifacio Global City