Disclaimer: This post isnt informative as it
should be. Im just sharing my experience at lakampake.
Bakit ka na
naman ba mag aaply ng Canadian Visa? Ano na naman ang gusto mong patunayan?
Sadyang inggitero’t inggitera ka lang ba talaga? Trip trip mo lang? O di naman
kaya gusto mo lang makipag eye ball sa jowa mong nameet mo online? Whatever it
is, panigurado may dahilan ka, at kung ano man ang dahilan mo wala akong pake!
Una, kailangan
mong malaman na kung kailan walang kinuhang documents sa akin nung nag apply
ako ng US Visa, sa Republic of Canada naman ay nuknukan ng dame! Jinabar talaga
ako to comply all the requirements.
Anyways, the
process of getting a Canadian Visa for me is a lot easier compare sa ibang
bansa. Why oh Why? Thing is, all requirements should only be uploaded on their
online portal. I’ve taken the time to comply all the docs they need in a week
and once you are completed, you can submit it and even pay online using your
credit card. So convenient and pa sweet isn’t it?
Pero besh,
hindi nagtatapos ang kalbaryo dyan. Dahil nga marami ding hanash ang mga taga
Canadian Embassy- marami silang hinahanap at nakakapikon in all levels. All
documents you need to submit are provided on their website. I remember, there
was this part that you need to scan all your travel stamps. Imagine that?
Prepare for your bank certificate, coe (if employed) business registration and
bank transaction (if self employed) and sample itinerary at kung ano ano pa
jusko! Note that the sample itinerary is not mandatory, you can back it up with
invitation from someone if you wanted to, but I only submitted a sample
itinerary at pasok naman sa banga. Visit the website na rin below at simulan
nyo na ang kalbaryo to complete it! Gow!
Fast Forward
to the result:
Ganito ang
nangyari saken mga beshies- After a week of waiting. I got an email from the
Canadian consul stating that I need to go personally to their Canadian site at
Makati.
At first-
medyo nakaka bobo ang email because it only states to appear and bring my
passport. Obviously, I was thinking maybe this is for interview. So just like
what I did when I’ve applied for US Visa, I wore my nakakamatay na outfit na
naman. I remember, I wore a tuxedo. Dahil nga nasa mood akong pumorma and I’ve
learned via google that they have a pay parking on their site, so why not mag
maasim diba? I also wore this grey pants na medyo silk pa ata. Iba ang datingan
ko dito, lakas maka groom sa kasal. This time I wore a white snickers at talaga
namang sumapi saken si Bruno Mars at may bling bling pa akong pa sway sway all
over my chest.
When I’ve
arrived at their site- walang tao! Muntanga diba? I was like tama ba tong
pinuntahan at pinag gagawa ko? I was a bit nervous that it could be that I just
overlooked the appointment date. So I went inside and ask.
Me: “Hello po
(super finess ang boses ko dito) I got an email from your office and I was
advised to drop by here. So off I presented the print out email.
Miss: Can I
have your passport sir and pay at counter keme. Kindly present the receipt here
once done.
Me: Okay
(Still a bit surprised because I thought I’m here for interview so off I paid-
not even sure what did I pay for basta I paid)
When I got
back to the counter. The lady told me to go back after 3 days. Syempre uminit
ang ulo ko dahil nga postura ang soot kong outfit diba at pababalikin lang ako
just like that? Hell no!
Me: Miss-
Anyayare? When is my interview? (trying to be calm besh pero hindi ko macontain
ang inis so nag reflect sa boses)
Miss: Sir, you
just need to come back after 3 days and present the receipt I just gave you.
Me: OKAAAYYYYY
(beast mode ako nito- isipin mong nasayang ang outfit ko diba?)
When I got
home. I immediately search for the entire process of getting a Canadian Visa. I
was just so not convinced on how it went earlier. This is just totally
different from what I have experienced with US Visa. The search went
unsuccessful as I could not find anything on google. Much worse is I have to
wait after 3 days pa to unveil the questions in my mind.
3 days came
wearing the same outfit. Oo! Inulit ko ulit- dahil hindi naman ako pinag
pawisan at mahal mag pa dry cleaning ng tuxedo kaya wag kang ano! I went to the
same office and this time I decided na magwala na talaga once the information I
will be getting is not crystal clear. I was kinda prepared with my speech and
my actions just in case such thing will happen. One more thing that intrigued
me bigtime was I know Ive left my passport. I super remember that!
Me: Hi, here
is my receipt. I’m here for interview (kalma lang ako besh)
Miss: Kindly
wait sir. Will call you in a bit.
Me: OKAAAYYYY
(sa isip isip ko isa pang re-schedule ma-aaward talaga kita)
Miss: Sir
“Richmond Saguiafin” here’s your passport.
Me: A bit
annoyed. I just opened my passport and then bom! Multiple Entry! Super sayan!!
Haduken left and right! Kemene! Chenelen! Tumpak! Shuwari-wari-wap! Magic
Sarap! Aji Ginisa! Lol
Ang mga tao sa Canadian Embassy masyadong pa surprise!
Sarap konyatan. So alam nyo na ha? Wag na wag na kayo pumorma kapag naka
receive kayo ng email from Canadian Embassy dahil sayang ang effort. You need
to create an account sa site nila and in less than 3 days after you complete
the docs, makakareceive ka na ng result. Pag wala pa rin, refresh lang ng
refresh ng inbox! Mag refresh ka magdamag dahil minsan may sapi ang website
nila. Pag wala pa rin refresh your mind na lang 😂
On a serious
note, ipag pray over nyo ang consul na magrereview ng application nyo.
Hindi umubra
ang kakapalan ng muka ko dito at confidence dahil wala namang naganap na
interview. So ilaban nyo na rin ang Canada anong malay mo naman diba?
Laban lang
tayo ng laban para sa goal nating mangolekta ng Visa. Kapalan nyo lang din ang
muka nyo when you submit documents online. Isend nyo na ang pinaka daring nyong
picture at baka yun pa ang maging mitsa ng multiple visa entry nyo (just like
what I did) Ibida nyo na lahat ng kailangan nyong ibida and remember to always
pray! Laban laaaangg!!!
Matagal na rin
ako nabigyan ng Visa, Shinare ko lang ngayon. Wag tungaw.
facebook.com/biyahenirichmond/
Instagram: richsaguiafin
Instagram: richsaguiafin
Walang picture dito kaya wag
na kayo pumorma sa pag send online. Tama lang ang ganitong visa para iwas
disappointment sa itsura. Ilaban nyo na rin ang Canada dalian nyo na!
At Ottawa. Para sa kaalaman
nyo ito ang Capital ng Kenede! lol Very ancient ang drama dito puros classic
structures na talaga namang perfect for selfies. Tumodo na kayo sa pag picture
sa part na to. Mag yawyaw na kayo dito or lumiyad liyad kayo sa mga ancient
keme dyan. Bala kayo!
Ay
besh. Kalmang kalma si mareng Niagara Falls at talagang nakisama sya sa selfie
ko. Lumundag kayo dyan sa falls na yan at mag video kayo ewan ko lang talaga
kung hindi pa kayo makuntento sa shot na gusto nyong i-achieve.
This
is at Toronto keme! Papasok kami ng Ripleys Aquarium chenelen nila. Mapangahas
ang mga makikita mo sa loob at talagang only in Kenede lang. Di nyo makikita sa
iba. Peksman. Mamatay ka man.
This
is at CN tower Chorono. (Toronto) para sa mga slang masyado ang Toronto
nagiging Churono. Very pasosyal!
This used to be the tallest tower in the world back then. Pero dahil may mga bansang ayaw patalo di ko alam pang ilan na to. Napaka ganda dito, kita mo ang buong view ng city. Kung gusto nyo ng mas magandang shot pa pwes mag rappel kayo pababa!
This used to be the tallest tower in the world back then. Pero dahil may mga bansang ayaw patalo di ko alam pang ilan na to. Napaka ganda dito, kita mo ang buong view ng city. Kung gusto nyo ng mas magandang shot pa pwes mag rappel kayo pababa!
Toronto, Canada Skyline
Hindi
ko talaga alam ano pinaglalaban ko sa shot na to. This is at Parliament, Ottawa
Canada. Di ko sure if bahay ba yan ng prime minister or what basta yun na yun.
Canada day ngayon so nag feeling Canadian din ako this time.
This
is at Canada's Wonderland. Obvious ba? Maraming nakakamatay na rides dito at
talagang naiwan ang kaluluwa ko lalo na sa behemoth. Iready nyo ang katawan nyo
dito dahil ang mga rides dito hindi pangkaraniwan.
May pa swimming din sila dito. Ang mga slides sa pool dito nakaka aliw. Very class! Basta hirap explain.This is a huge amusement park na wala ka na talagang hahanapin pang iba, kaya apply na sa Canada dream nyo daliii!
May pa swimming din sila dito. Ang mga slides sa pool dito nakaka aliw. Very class! Basta hirap explain.This is a huge amusement park na wala ka na talagang hahanapin pang iba, kaya apply na sa Canada dream nyo daliii!
Dahil mahal ko rin ang
Canada talagang national anthem nila ang back ground ko beh. Talagang nag ikot
ikot ako dito sa Niagara Falls dahil first time ko itong masilayan at talaga
namang nepeke gende!
Ilaban mo na ang Canada mo. Let me know how can I be of any assistance when you apply! Pm nyo lang ako sa social media sites ko.
Instagram: richsaguiafin
facebook.com/richmond.saguiafin
you tube: https://www.youtube.com/channel/UCCs-W-gZQFnGTzTt2-MnpRg
No comments:
Post a Comment