Tuesday, March 31, 2020

My 9th day in New York City





Since its my 9th day here, so far here are my takeaways.


*Yung summer dito na 13 degrees celcius kapag hapon. So ano na kapag winter? Bigti na lang sa lamig?


*Yung 8:30 pm na pero tirik na tirik pa rin ang araw sa New York, so ano ho?? Matutulog akong parang tanghali?


*Yung pink shorts kong alam kong gusto mo rin. Kunwari ka pa.

*Yung 8 times akong kumakain sa isang araw because Mama cooks really good Filipino food. Ka lami oy! Panigurado aapat na layers na naman ang bilbil ko.

*Yung ang sasarap ng ice cream ng America. Jusko! Parang every hour akong ngumangata ng ice cream dito.

*Yung imbes na daga ang makita ko pero puros squirrel. Sosyal! Namiss ko tuloy ang daga, lamok, bangaw at ipis sa atin. Send my regards to them.

*Yung sawang sawa at sukang suka na ako sa linyang "how are you doing?" Yung parang gusto mo silang sigawan na I'M OKAYYYY, OKAY??

*Yung ang sasarap ng sausage dito day! At ang lalaki pa! Iba ang lasa ng mga sausage dito susme! Ang kakatas! Sausage na pagkain! Hindi yang sausage na iniisip mo. Yang kababuyan mo ha.



*Yung ang popogi at gaganda ng mga bagger sa Walmart at JC Penney dito. Parang gusto mo na ngang ikaw na lang yung isupot e. Panigurado artista agad tong mga to sa ABS-CBN at GMA. Gustong gusto nyo yan diba? Dito kayo umafam goals! Manawa kayo! Gow!



*Yung hangin nila ditong sarado ang pores ko sa lamig lalo na kapag gabi. Ay boy! Dito ko talaga na achieved ang balat kong banat na banat. Tumatambay talaga ako sa labas ng bahay at lakampake. Ilaban natin ang flawless na balat syempre. Wag ka nga!



*Yung hair cut kong 1200 pesos dito pero nakukuha ko lang ng 70 pesos sa atin. Parang gusto kong pasabugin yung salon. Ang sama sa loob beh.



At higit sa lahat, benta ang alindog ko dito wag kayong ano! Panay ngiti saken ang mga animal. Uuwi akong may jowa talaga antayin nyo!



Welcome to our humble home!

Unforgettable experience in Washington DC






This is so far the most unforgettable experience of my US trip! Susmiyo por pabor!

*Getting to DC from Upstate New York took me 13 hours bus ride.
                                    

*I needed to switch bus from New York City going DC. At dahil wala namang magawa talaga sa biyahe e di super lafang ako sa bus all the way. Lafang to the max beh! Chips, mani, pizza, bagel, at kung ano ano pa! More root beer pa ang drama ko along the way at kape kape pa! After eating and drinking e di syempre tulog na! Ganyan lang naman kapag mahabang biyahe db?


*Along the way, may naramdaman na akong bery light na sakit sa tummy ko. Yung mukang controllable naman ang sakit, pero after ilang minutes parang sumasakit na talaga sya ng bery hard habang tumatagal! Like its so effing masakit na sya talaga! Alam mong anytime lalabas na sya! Sasabog na talaga!


* One more thing that added irita to me was yung katabi ko sa bus! Tingin ng tingin saken habang pinagpapawisan ako! Sarap hambalusin ng dollar! Hindi ko alam kung crush ako or what. Nawawala ako sa concentration ko!


*Majority of the buses in the US (atleast in New York, Jersey, California, DC) may mga restroom sa likuran. Pero ihian lang sya, at hindi ka pwedeng jumebs! Hinding hinde! Dahil magwawala ang mga tao at aalingasaw ang amoy sa bus!


*When I've checked the ETA or estimated time of arrival to DC, 3 hours left pa mga besh at walang hinto hinto si koya! Jusko! Pawisan na ang kili-kili ko. I've prayed na sana hindi ako magkalat dito sa highway, Para na talaga akong napossessed that time that I really needed to make a move or else magkakalat talaga ako. Imagine? Nasa dulo na ng rectum mo ung jebs? Eww diba?


*After 40minutes of pagpipigil, pagpapawis. Hindi ko na talaga kaya! Magkamatayan na talaga pero this is it! La na akong pake sa mga amerikanong to!


*I've checked my bag at may nakita akong plastic bag. Hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang plastic bag na yun. From heaven I guess? Ayun na nga! I immediately went inside the restroom sa bus at Paaak! Booom! Inilabas ko na talaga day ang bomba! Galit na galit ang jebs ko! Pak na pak sa baho at basa! punong puno ang plastic! Kadiri to death! (Pasintabi sa mga kumakain)


*Akala ko tapos na ang kalbaryo ko, pero I was wrong girl! Very wrong! Dahil pag check ko, walang tissue!! Susme! Parang gusto ko na lang maglaho sa bus or tumalon sa expressway sa kahihiyan. Pero naisip ko walang susuko! Lalaban tayo! Hinubad ko agad ang boxers shorts ko at alam na? Yun ang ginawa kong tissue day! Jusko! Oh yes baboy na kung baboy! E wala e? Ala nga namang plastikin ko pa kayo sa post ko.


*At tinapon ko na nga ang plastic bag at boxers kong Calvin Klein sa basurahan at lumabas ako ng restroom na parang walang nangyari. Ganern!


*Gigil na gigil talaga ako sa tyan ko! Hindi marunong makisama! Pakiramdam ko nawala yung alindog ko pansamantala. Anyways!


Moral of the story: Do not use branded underwear when travelling. JUST DON'T!

Good Morning D.C and hello pareng Donald Trump! 😍😂

Bonifacio Global City