Bago
ko simulang ishare kung ano ba tong gusto kong ihanash, nais kong
ipabatid sa inyo na hindi ako magshshare ng any sentiments about Covid19
outbreak because it is not necessary. Why should I? May magagawa ba ako
na puksain yang sakit na yan? Ipagpasa Diyos natin ang mga nangyayari
sa kasalukuyan at tayo ay pumirmi sa ating mga tahanan.
Pero
ano nga ba ang feeling na malock down ng ilang araw sa bahay? Without
any further keme, here are the things that Ive already done since the
lockdown.
*MAG-LABA- sa
mga panahong ito, dito ko itinakwil ang washing machine naming
automatic. Ni hindi ko sya kinibo since the lockdown, ni hindi ko sya
tiningnan at deadma talaga ako sa powers nyang kulahin ang mga damit ko
dahil ginamit ko nga ang beautiful hands ko to wash my clothes. Dito ko
pinatay ang oras ko sa buong maghapon na ultimong underwears ko ay inisa
isa kong kusutin. Wala talaga ako pinalampas ni isang hibla. Its very
self fulfilling.
*MAG-LINIS-
Kailangan nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran, at dahil
nga OC ako pagdating sa dumi wala akong ginawa kundi maglinis ng bahay
susme. Hindi sa OA pero best friends ko talaga ang dustpan, walis
ting-ting, walis tambo, basahan, domex, zonrox, at kung ano ano pang
panglinis. Halos yakapin ko sa pagtulog ang mop ng sahig lamoyan! Galit
na galit talaga sa akin ang mga alikabok sa bahay dahil wala silang
ligtas sa powers ng mga pang linis ko. Dito rin ako nagtapon ng kung ano
anong bagay na pampasikip lang. Halos itapon ko na nga ang dining table
namin at cabinet ko sa irita dahil malaki at hindi naayon sa bahay
naming maliit lang. Gusto kong ibalibag ang lahat ng appliances namin sa
totoo lang. Hindi ko sure kung epekto ba ito ng init ng panahon or
whatnot. First time ko ring umakyat sa kisame at pasukin ang napaka init
na lagusan at makipagsapalaran sa mga sapot ng gagamba. Hindi ko sure
kung bakit ko ginawa ito pero its very productive na linisin ang kisame
during these times.
*MAGLUTO-
Halos lahat na ata ng putahe ng pagkaing pinoy naluto ko na. Halos
kausapin ko pa nga ang mga karne habang hinihiwa sa sobrang bored. Dito
ko rin na try na after ko magsaing ay isasangag ko sya just to kill time
ba.
*MAG NETFLIX- dahil
nga naka 100mbs kami why not maxmize the use diba? Sa sobrang bilis ng
internet halos nag fafast forward na kusa ang movie, no joke! Ngayon ko
lang na try na tapusin ang isang series ng diretsahan. Walang hinga
hinga. Lahat na ata ng documentary about World War 1 and 2 ay tapos ko
na. Pati mga alien documentaries, murder mystery series, air crash keme
napanood ko na yan. Ako pa ba? Napanaginipan ko pa nga si Adolf Hitler
last time. Syempre nakakasawa din na puros gera, alien, at mystery kaya
from time to time switch switch din tayo sa mga foreign films, at dito
ko nga napanood ang 3 idiots. It's an indian film at natuwa naman ako
infairness.
*MAG WORK
OUT- syempre dahil wala namang bukas na mga gym ngayon so wala akong
choice kundi imaintain ang hotness ko sa loob ng bahay. Medyo mahirap
for the first 3 days pero nasanay na rin akong gawing weights ang aming
ref. Choosy pa ba sa ref? Nasubukan ko rin buhatin ung study table ko
kaya lang naka 10 lifts lang ako for 2 repetitions dahil nga nuknukan ng
bigat, pero achieved ko naman ang putok na biceps alamoyan! Kailangan
natin humanap ng paraan para ma maintain talaga ang hotness syempre.
*MAG
BASA- When I say magbasa I dont mean reading online but reading an
actual book. Promise! its worth it. Not only that you will gain
knowledge but you will also gain wisdom. Geste me yen? Kaysa panoorin mo
lahat ng story sa FB and IG mo better read a book na lang day!
Suggestion ko lang naman yan pero its up to you pa rin naman if you want
waste your time viewing your friends selfies na nakakaumay. Right now, I
am reading "how to kill a person na hindi nagbayad ng utang" I'm kinda
excited to finish this and lets see. If you want this book too let me
know and ill let you borrow it.
*MAG
GROCERRY- When I do this, i do this once a week. Wag naman ung araw
araw tayong mag grocerry ano ho? Muntanga yun. I dont normally eat
processed food kasi except for pancit canton so talagang nakikipag
patayan ako sa supermarket alang alang sa karne, manok, gulay at isda.
Wag din ho tayong magpanic buying, bery wrong talaga yan. Nang gigil
talaga ako sa mga nakasabayan ko last week na halos hakutin lahat ng
tinapay sa shelf. Bery yagit naman yang ganyan so sana lets not be
selfish kasi may mga kasabayan ho tayong nangangailangan din ng tinapay
ano ho?
*MATULOG- na
experience nyo na ba matulog ng Monday tapos pag gising nyo Tuesday na?
Ay boy! Ibahin nyo ko ngayong lock down dahil achieved na achieved ko
ang complete rest. Comatose indeed! Pag gumigising ako pakiramdam ko
ibang tao ako sa ka-freshan. I'm not saying matulog din kayo gaya ng
akin but what my point is- gawin natin itong opportunity to get quality
sleep.
*ISULAT ITO- malamang sa sobrang boring naisulat ko ito diba? 
Anyways! Above all, lets all be prayerful in these difficult times. Ingat po tayo! Tsup tsup!
No comments:
Post a Comment