Tuesday, April 9, 2019

JAPAN VISA- My Takeaways!









JAPAN Visa- My takeaways!

Stop reading from here if your intention is to find ways to illegally stay in Japan. 

Let’s start this blog by telling you that Japan is such a beautiful country. Beautiful is really an understatement, because in my experience the place is just superb that you wouldn’t really want to go home. But before planning out your trip to Japan, you have to understand that We, Filipinos need a Visa to enter the house of the rising sun! So lets bring it on!

Kung mag aaply ka as first timer to visit Japan, you really have to keep in mind the below requirements because these are mandatory for you to submit. 

* Filled out application form- Malamang diba? This will serve as their official reference of who you are. Please be extra careful when filling out the application form at wag shunga shunga. Intindihin ang mga kailangang ilagay, Pwede kang madeny agad agad kung muka kang sabog sa mga nilagay mo sa form so please use your common sense and dapat totoo ka lang all the way hanggang matapos.

* 2X2 ID Picture- Siguro naman alam nyo ang itsura ng 2x2 ano ho? Wag nyo na pahirapan sarili nyo kung mag papa picture kayo sa mga studio shop dahil 2x2 lang naman talaga ang size na kakasya sa application form and surprisingly pwede ang labas ipin teh! Ngayon lang ako naka project at naka poise sa lahat ng visa na inapplyan ko. To be honest, I am not sure about this- kasi wala namang pagbabawal na naganap when I submitted my application so ilabas nyo na ang ipin at bagang nyo if you want. Push!

* ITR or Income Tax Return (2316)- para sa mga hindi nakakaalam. Ano ba itong ITR na ito? Ito ay ang pure compensation income mo. This is a report of your income, taxes that you or your employer file to Bureau of Internal Revenue or BIR. In my experience, if your ITR is not updated, you may back it up with an explanation letter and Japan Embassy might consider- again “MIGHT” wag assuming.

* NSO Birth Certificate or PSA- Oh yes! Wag na wag nyong kakalimutan ito. Again, PSA na ang NSO ngayon! Hindi pwede ang local civil copy wag makulit kailangan PSA talaga! So please prepare for that upfront because it’s a no no for your application to be submitted kung wala nito.

* Bank Certificate- Lets make it clear about this specific piece. Kapag sinabing bank certificate its only a certificate and its not a bank statement. Magkaiba yun. Wag parang suminghot ng sunog na goma. Also, Japan Embassy will know that you deposited large funds in a single transaction just to show them you have fat or enough balance. Be gentle on your deposits. The bank certificate must reflect the total of your ADB (Average Daily Balance) or YTD (Year to Date) balance. Pero subukan nyo pa rin mag apply if your money is just like that, dahil hindi naman ako Japan Consul to decide. Again, there is no required amount to be reflected on your bank certificate, Just make sure you have enough funds to support your trip. Laban lang!

* Sample Itinerary- Linawin natin to ha? You dont' need to submit an official booking or whatnot. Sample lang besh! As in example! Susme! Please provide a detailed plan that you have in mind and thats it. Wag mong pahirapan ang sarili mo- Imagine that you're in Japan now and where do you want to go. Please provide a hotel in Japan that you have in mind as well. Ganun lang! Hindi mahirap gawin diba?

* Passport- Kailangan ko pa ba itong ilagay? Geh. Kailangan ng passport dahil dito ididikit ang visa kapag na approve ka. Okay na?

Just to add- Applicants can go with any agencies that are accredited by Japan Embassy. Medyo madaming agency besh so please take time to google and choose which you want and the cost is at 1000 petot (atleast the agency that I've been to)


In the event that you wanted to apply for a multiple entry (just like what I did) at gusto mo na naman talagang kabugin ang mga friends mo that only have single entry, you can request for a form at the agency. It’s a single piece of paper that you need to fill out and provide your reasons on why you wanted to achieve that Multiple category. That simple, and its up to Japan Embassy if they will grant you or not.


The result will be forwarded to the agency where you have submitted your application and they will notify you via text or call after one week. That easy! Hindi mo na kailangan to appear for interview. Wag din kayong magpapaniwala sa mga ibang blogs online na para bang ang hirap hirap mag apply ng visa. Leche! Tigil tigilan nyo ko sa mga hanash nyong ganyan. Overall experience was Less hassle indeed! Below is the agency on where I have applied. Good luck beshies! Push nyo na ito at sabay sabay tayong magwalwal sa Jepen!



TPI Flight Center 
3rd Floor- Market Market Bonifacio Global City Taguig
Contact Number: 0922-816-1704 or 889-7296

P.S- Ang hot ko sa pic ko diba?

Facebook.com/richmond.saguiafin
Instagram: richsaguiafin
You Tube: https://www.youtube.com/channel/UCCs-W-gZQFnGTzTt2-MnpRg




CANADA VISA- My Takeaways!



Disclaimer: This post isnt informative as it should be. Im just sharing my experience at lakampake.
Bakit ka na naman ba mag aaply ng Canadian Visa? Ano na naman ang gusto mong patunayan? Sadyang inggitero’t inggitera ka lang ba talaga? Trip trip mo lang? O di naman kaya gusto mo lang makipag eye ball sa jowa mong nameet mo online? Whatever it is, panigurado may dahilan ka, at kung ano man ang dahilan mo wala akong pake!
Una, kailangan mong malaman na kung kailan walang kinuhang documents sa akin nung nag apply ako ng US Visa, sa Republic of Canada naman ay nuknukan ng dame! Jinabar talaga ako to comply all the requirements.
Anyways, the process of getting a Canadian Visa for me is a lot easier compare sa ibang bansa. Why oh Why? Thing is, all requirements should only be uploaded on their online portal. I’ve taken the time to comply all the docs they need in a week and once you are completed, you can submit it and even pay online using your credit card. So convenient and pa sweet isn’t it?
Pero besh, hindi nagtatapos ang kalbaryo dyan. Dahil nga marami ding hanash ang mga taga Canadian Embassy- marami silang hinahanap at nakakapikon in all levels. All documents you need to submit are provided on their website. I remember, there was this part that you need to scan all your travel stamps. Imagine that? Prepare for your bank certificate, coe (if employed) business registration and bank transaction (if self employed) and sample itinerary at kung ano ano pa jusko! Note that the sample itinerary is not mandatory, you can back it up with invitation from someone if you wanted to, but I only submitted a sample itinerary at pasok naman sa banga. Visit the website na rin below at simulan nyo na ang kalbaryo to complete it! Gow!

Fast Forward to the result:
Ganito ang nangyari saken mga beshies- After a week of waiting. I got an email from the Canadian consul stating that I need to go personally to their Canadian site at Makati.
At first- medyo nakaka bobo ang email because it only states to appear and bring my passport. Obviously, I was thinking maybe this is for interview. So just like what I did when I’ve applied for US Visa, I wore my nakakamatay na outfit na naman. I remember, I wore a tuxedo. Dahil nga nasa mood akong pumorma and I’ve learned via google that they have a pay parking on their site, so why not mag maasim diba? I also wore this grey pants na medyo silk pa ata. Iba ang datingan ko dito, lakas maka groom sa kasal. This time I wore a white snickers at talaga namang sumapi saken si Bruno Mars at may bling bling pa akong pa sway sway all over my chest.
When I’ve arrived at their site- walang tao! Muntanga diba? I was like tama ba tong pinuntahan at pinag gagawa ko? I was a bit nervous that it could be that I just overlooked the appointment date. So I went inside and ask.
Me: “Hello po (super finess ang boses ko dito) I got an email from your office and I was advised to drop by here. So off I presented the print out email.
Miss: Can I have your passport sir and pay at counter keme. Kindly present the receipt here once done.
Me: Okay (Still a bit surprised because I thought I’m here for interview so off I paid- not even sure what did I pay for basta I paid)
When I got back to the counter. The lady told me to go back after 3 days. Syempre uminit ang ulo ko dahil nga postura ang soot kong outfit diba at pababalikin lang ako just like that? Hell no!
Me: Miss- Anyayare? When is my interview? (trying to be calm besh pero hindi ko macontain ang inis so nag reflect sa boses)
Miss: Sir, you just need to come back after 3 days and present the receipt I just gave you.
Me: OKAAAYYYYY (beast mode ako nito- isipin mong nasayang ang outfit ko diba?)

When I got home. I immediately search for the entire process of getting a Canadian Visa. I was just so not convinced on how it went earlier. This is just totally different from what I have experienced with US Visa. The search went unsuccessful as I could not find anything on google. Much worse is I have to wait after 3 days pa to unveil the questions in my mind.

3 days came wearing the same outfit. Oo! Inulit ko ulit- dahil hindi naman ako pinag pawisan at mahal mag pa dry cleaning ng tuxedo kaya wag kang ano! I went to the same office and this time I decided na magwala na talaga once the information I will be getting is not crystal clear. I was kinda prepared with my speech and my actions just in case such thing will happen. One more thing that intrigued me bigtime was I know Ive left my passport. I super remember that!
Me: Hi, here is my receipt. I’m here for interview (kalma lang ako besh)
Miss: Kindly wait sir. Will call you in a bit.
Me: OKAAAYYYY (sa isip isip ko isa pang re-schedule ma-aaward talaga kita)
Miss: Sir “Richmond Saguiafin” here’s your passport.
Me: A bit annoyed. I just opened my passport and then bom! Multiple Entry! Super sayan!! Haduken left and right! Kemene! Chenelen! Tumpak! Shuwari-wari-wap! Magic Sarap! Aji Ginisa! Lol

Ang mga tao sa Canadian Embassy masyadong pa surprise! Sarap konyatan. So alam nyo na ha? Wag na wag na kayo pumorma kapag naka receive kayo ng email from Canadian Embassy dahil sayang ang effort. You need to create an account sa site nila and in less than 3 days after you complete the docs, makakareceive ka na ng result. Pag wala pa rin, refresh lang ng refresh ng inbox! Mag refresh ka magdamag dahil minsan may sapi ang website nila. Pag wala pa rin refresh your mind na lang 😂

On a serious note, ipag pray over nyo ang consul na magrereview ng application nyo.

Hindi umubra ang kakapalan ng muka ko dito at confidence dahil wala namang naganap na interview. So ilaban nyo na rin ang Canada anong malay mo naman diba?

Laban lang tayo ng laban para sa goal nating mangolekta ng Visa. Kapalan nyo lang din ang muka nyo when you submit documents online. Isend nyo na ang pinaka daring nyong picture at baka yun pa ang maging mitsa ng multiple visa entry nyo (just like what I did) Ibida nyo na lahat ng kailangan nyong ibida and remember to always pray! Laban laaaangg!!!

Matagal na rin ako nabigyan ng Visa, Shinare ko lang ngayon. Wag tungaw.

facebook.com/biyahenirichmond/
Instagram: richsaguiafin


Walang picture dito kaya wag na kayo pumorma sa pag send online. Tama lang ang ganitong visa para iwas disappointment sa itsura. Ilaban nyo na rin ang Canada dalian nyo na!


At Ottawa. Para sa kaalaman nyo ito ang Capital ng Kenede! lol Very ancient ang drama dito puros classic structures na talaga namang perfect for selfies. Tumodo na kayo sa pag picture sa part na to. Mag yawyaw na kayo dito or lumiyad liyad kayo sa mga ancient keme dyan. Bala kayo!



Ay besh. Kalmang kalma si mareng Niagara Falls at talagang nakisama sya sa selfie ko. Lumundag kayo dyan sa falls na yan at mag video kayo ewan ko lang talaga kung hindi pa kayo makuntento sa shot na gusto nyong i-achieve.




This is at Toronto keme! Papasok kami ng Ripleys Aquarium chenelen nila. Mapangahas ang mga makikita mo sa loob at talagang only in Kenede lang. Di nyo makikita sa iba. Peksman. Mamatay ka man.






This is at CN tower Chorono. (Toronto) para sa mga slang masyado ang Toronto nagiging Churono. Very pasosyal! 

This used to be the tallest tower in the world back then. Pero dahil may mga bansang ayaw patalo di ko alam pang ilan na to. Napaka ganda dito, kita mo ang buong view ng city. Kung gusto nyo ng mas magandang shot pa pwes mag rappel kayo pababa!


Toronto, Canada Skyline





Hindi ko talaga alam ano pinaglalaban ko sa shot na to. This is at Parliament, Ottawa Canada. Di ko sure if bahay ba yan ng prime minister or what basta yun na yun. Canada day ngayon so nag feeling Canadian din ako this time.


This is at Canada's Wonderland. Obvious ba? Maraming nakakamatay na rides dito at talagang naiwan ang kaluluwa ko lalo na sa behemoth. Iready nyo ang katawan nyo dito dahil ang mga rides dito hindi pangkaraniwan. 

May pa swimming din sila dito. Ang mga slides sa pool dito nakaka aliw. Very class! Basta hirap explain.This is a huge amusement park na wala ka na talagang hahanapin pang iba, kaya apply na sa Canada dream nyo daliii!




Dahil mahal ko rin ang Canada talagang national anthem nila ang back ground ko beh. Talagang nag ikot ikot ako dito sa Niagara Falls dahil first time ko itong masilayan at talaga namang nepeke gende!

Ilaban mo na ang Canada mo. Let me know how can I be of any assistance when you apply! Pm nyo lang ako sa social media sites ko.

Instagram: richsaguiafin
facebook.com/richmond.saguiafin
you tube: https://www.youtube.com/channel/UCCs-W-gZQFnGTzTt2-MnpRg

US VISA- My Takeaways!



Disclaimer: Long post ahead. Lakampake!

Ito nga, dahil nga ang page na ito ay sa mga makakating paa tulad ko, naisip kong ishare ang aking sentiments, experience kung ano ba ang aking say sa pagkuha ng US visa na yan. Simulan natin sa tanong na ito. Why should you apply for US Visa ba? What for? May lahi ka lang ba talagang famewhore at gustong gusto mong magbida bida sa US of A? May plano ka bang bisitahin ang mga mahal mo sa buhay? Or hindi naman kaya, gusto mong mag TNT? This post meant no offense for those people who plan to go there at mag TNT. Reality check, we know nowadays, na mahirap ang buhay sa Pinas and we wanted to provide for our family and for greener pasture na rin ika nga.

But did you also know that not all grass is greener on that side? So let’s just leave it there.

First things first, Hindi ko alam kung ano ang protocol ng US embassy for them to grant a VISA for an applicant. Wag mo akong tanungin dahil wala akong ka ide-dea sa mga hanash ng mga taga consul.Thing is, nobody knows what their criteria’s are for you to pass.

 The day I decided to apply for a US VISA – alam mo yung wala lang? it’s more of like curiosity or maybe I wanted to try how is it to undergo the process for applying. I know it’s weird but to be honest, I really don’t have plans to go to the US. Its just one day, it crossed my mind, google the process, fill out application online, pay at BPI, wait for schedule availability on their website and that’s it. I even forgot that I have an appointment pa nga dahil I was busy working at mag bida bida sa office, good thing my cellphone calendar reminded me about the set date and here comes the day!

 Nung nagbibihis na ako, sinubukan kong isagad ang pag awra meaning nag mistulang Christmas tree ang soot ko because I wore different colors. I remember, I wore a purple long sleeves na talaga namang lumutang ang alindog ko, I also wore a black pants na medyo hapit. Oh yes! Hapit na hapit to the point na bumabakat na ang matataba kong hita and genital. I also decided to put on brown shoes and green socks pa ata. Alam mo yung mukang sasali sa King and Queen coronation night nung elementary? Ganun na ganun ang datingan ko minus the corona of course. Hindi ko rin alam kung bakit brown shoes, basta I remember when I was on my way going there bigla kong na realized na para akong bandiritas na pwede ng isabit anytime sa kalsada.

Susme! Eto na nga, Hindi ako na inform na para palang NBI ang pila sa labas ng US Embassy. Parang refugee camp indeed! I had my appointment scheduled at 745am (the earliest) and arrived around 545am dahil nga you need to anticipate the waiting time pa and all.

 Just so you are aware- there are really no exact documents provided on their site for you to mandatory bring. Meaning- bring all documents that can support your application. Keso dalhin mo ang titulo ng bahay mo, orcr ng kotse mo bahala ka sa buhay mo. Kung gusto mong mag mukang mayaman bitbitin mo jewelry box mo at ibida bida mo sa consul, kung gusto mo naman ng sagad na pagmamayabang dalhin mo ang bank certificate mo na milyones ang laman. Magbida bida ka sa mga taga US Embassy that you can buy their country ganern! or better isampal mo ang mga travel stamps mo sa kanila. Bahala ka! The decision is up to you on which documents to bring.

In short ang dala ko lang are bank certificate kong wala namang laman and kapal ng muka. Yes! Dala ko ang confidence ko! and that’s the reason why I’m here because I wanted to prove to these people that me as a Filipino can go to US anytime I want, as long as I want, as much as I want! in the same manner that they can visit our country just like that. I was like, pwede ba? We all live underneath the same big sky no.

Fast forward to the interview:
Nakakahilo ang mga number na nag flaflash sa screen mga besh. So kung may lahi kang duling then please have your eyes checked at talagang mabilis ang pag flash ng number that you need to follow it carefully and instantly. During this time, I’m a bit annoyed because ang tagal ng pila like I’m so freaking and effing uhaw na to death. Like my throat is so tuyo that I’m not sure kung masasagot ko ba ang tanong ng maayos or whatnot. You can't even play with your phones because it is strictly prohibited inside. So ang magagawa mo lang talaga is namnamin ang lamig ng aircon, i-nurture ang kaba and wait for your turn.


My number just flashed! Mygad this is it!
Consul- Hey Richmond- you look good.
Me: oh thank you! *petite voice* (ggss talaga ako dito mga besh)
Consul: What are you gonna do in the US?
Me: Im going to visit my sister that I haven’t seen for years now
(full accent to besh- American and british accent combined)
Consul: When?
Me: I have no idea yet. Its not even on my plans this year but maybe next year I guess.
Consul: Have you been outside the country?
Me: Many times (with matching irap pa ito besh dahil nga kahit muka akong kriminal minsan, aba I've been to places na rin)
Consul: How long have you been working?
Me: (Nampepe this time talagang para akong sinapian ng calculator at muntanga akong nag bilang sa harap nya with fingers involved)
(*full force accent again*) I started working when I was 17 so over all work experience is 14 years.
Consul: Okay. So who will pay for your fare?
Me: (this time mga papsh and mamsh parang gusto ko ng i-upper cut si consul at budburan ng magic sarap ang bunganga- hindi sa o.a ha pero pang irita yung tanong e- kahit naman muka akong kulangot kapag walang ligo, I know I can afford a plane ticket naman sa tagal kong nag work teh)
Me: Excuse me?? (high pitch to beh) Do I look like I could not pay for my expense when I get there? (super sayan level na ito but smile smile lang ako because nothing is really personal) Of course I will shoulder the expense I said.
Consul: Okay, then happy trip (sabay saludo)
Me: Im sorry- Do you need this document that I brought? (dahil nga pansin ko yung brown envelope na dala ko na nasa harap nya hindi man lang hinawakan. Parang diring diri ba? Ni wala man lang documents na kinuha saken except for the passport of course. Nag aksaya pa ako ng 180 petot para sa bank certificate.
Consul: I don’t need that. Then he smiled and said Congratulations Richmond!


Im like? Is it done? Do I have to wait for a round of applause from the audience at the back? Alam mo yung pila sa MRT beh kapag magbabayad ka sa window? Ganun ang itsura ng pila sa US Embassy. (well atleast for B1 and B2 category) Rinig na rinig mo ang saya at ang iyak ng mga nadedecline at na-approve. So I’m like? What now? Where is my visa? Little did I know- the visa will be sent over to your home after 3 days.


3 Days came and then bom! Multiple entry! 10 years pak na pak! Roll! Tumbling! Boga fire! Pakak! Tumpak! Limborack! Haduken!
Why am I sharing this experience ba? The aim of this post is for me to share that there is no magic, secret, whatsoever when you apply for one. I didn’t expect that the process of getting a US visa will just be like that. So if you are afraid or hesitant to try, don’t be! At the end of the day, US is just a country. Its not even something close to heaven, hello?? For those people who wanted to try their luck and want to visit US of A, kailangan nyo lang talaga ng kapal ng muka at active listening. Those for me are the keys to help you get that visa you always wanted. Mga Pinoy tayo beh at hindi tayo papa api! Labaaan!!


In a nutshell- may mga consul talagang kampon ng kamalasan. Tripper baga. Yung trip trip lang talaga nilang ideny ka dahil trip lang nila? Sarap banatan diba? Ipag pray over nyo ang consul na makakaharap nyo dahil besh yung iba parang may sapi. Nonetheless, thank you sa consul na natapat sa akin. Alam mong nadaan kita sa matatamis na ngiti ko wag kang ano. Labyu!


Goodluck beshies! Laban langggg! 😂

Apply na dali na! Ito yung website. Basa basa din wag parang level one monkey ang utak.

P.S- matagal na ko nabigyan ng visa. Shinare ko lang ngayon. Wag shunga.
facebook.com/biyahenirichmond/
Instagram: richsaguiafin





Ano nga basi ang meaning ng multiple entry visa 10 years? Ibig sabihin pwede kang magwalwal sa lahat ng States sa US maximum of 6months stay for tourist. 10 years is very self explanatory! Your visa is good for 10years from date of issue. Gets?

Ito talaga yung mga sandali na pinagsisihan kong ganito ang picture na sinubmit ko online. Isipin mo ba namang 10 years ko yang gagamitin? O diba muka akong sabog? From eye bags to eye luggages! So siguraduhin nyong postura ang isesend nyong pic online dahil kapag na aprub kayo ng multiple ayun na ang pic nyo for 10 years!




With ate that I have not seen for 15 years here at Timesquare, New York City.

Daming pabida dito mga besh lalo na sa gabi. This is a city that never sleeps tologo. Literal! Kahit madaling araw nuknukan ang dami ng turista dito, so magbaon kayo ng pang hampas dahil nga elbow to elbow ang labanan dito. Mabuti sana kung yung ka elbow mo hindi pawisan e. Kaya be careful mga kapatid!


Siguro naman alam nyo yung World Trade Center ano ho? Wag nyong hanapin yung twin towers dahil bumagsak nga diba? So we are at Ground Zero, New York this time. Wag maingay dito dahil this is a funeral park. Mag bulungan lang kapag nag uusap.

Nakikita nyo ba yan si kuya na nasa sahig? Sarap itumba diba? Contodo effort sa pagpicture sa jowa nya. Kairita!

Thing is. I also met my Mom in the US! My Mom that looks like my sister. I labyu Mama ko! 
😍😀 Without you, there would be no wonderful creation like me! 😂




Im at the 70th floor of Rockefeller still at New York City.

Besh! Umawra kayo dito ng sagad. Akyatin nyo yang glass window sa likod ko at dyan kayo mag selfie. Ewan ko lang talaga kung hindi mamatay sa inggit ang mga insecure nyong kaibigan at kamag anak. Bilisss!!!




Ito na nga at nagikot ikot ako dito sa peymus Timesquare. Sumapi saken for awhile si Alicia Keys at ito na talaga ang concrete jungle where dreams are made of mga besh! Apply na dali na!!!

Click HD wag shunga.


SIARGAO- Must Know



Arrived at Siargao Domestic airport from a 1 hour and 20 minutes journey (Manila to Siargao) Mainit dito. So ipaligo nyo na ang sunblock sa Manila airport palang or lunukin nyo ang sun block much better.

Don't be confused. Siargao is located in Surigao so its one of Surigao Del Norte's islands. Wag din parang below sea level ang i.q. ha. Wag puros gym at pagmamake up ang alam.



Skyjet can only fit 70 people on board and only fly to Batanes, Caticlan, Busuanga and Siargao. It was a rough landing earlier and it was scary as hell as the plane just bounced during landing (videos later) Akala ko hindi ko na masisilayan ang Siargao at na sight ko na si San Pedro ng bery bery light. Maiksi lang ang runway mga tipong from sala nyo to banyo nyo sa bahay. No joke!

The fare is at 12k for round trip,pricey isnt it? (220 USD) Dinaig pa Hongkong, Cambodia at Vietnam teh. Hindi ko alam kung may mga diamonds ba sa lugar na to or minahan ng mga brilyante for a fare price like that. But I guess this is way cheaper compare sa ibang airline na masyadong gahaman.


Funny thing is. The glass window behind me is magically tinted. Ive realized that thats a departure waiting area. Nakakahiya lang that they see us taking pictures, striking a pose full force (walang awat). Yung ibang kasamahan namin sa airplane humiga pa sa semento just to get a good shot. People nowadays tologo.

So alam na, iwasan ang spot na to paglapag ng eroplano kung gusto nyong manatili ang karangalan nyo bilang tao.



Our Hotel Resort for the next 4 days and we were warmly welcome by their employees. May pa buko juice pa sila teh. Yung buko ang tagal maubos. Bloated na ako meron pa rin. Enchanted buko mga momshies at papshies! pwede pang ipang sabaw sa ulam mamaya 😂

Details below kung saan kami nag stay. Wag nyong kalimutan imention ang pangalan ko baka sakaling makakuha kayo ng discount. Kindly tell them that I have featured their resort sa page ko, hanapin nyo si Irhene yung may gusto saken (char!) ano malay nyo ibigay sa inyo ng libre. Ayaw pa mem? https://static.xx.fbcdn.net/images/emoji.php/v9/ta5/1.5/16/1f642.png:)Tawagan nyo na mga papsh and mamsh dahil laging fully booked to. Daleee!!

Romantic Beach Villas
Siargao Island, Philippines
Tel no: +639193373546
www.romanticbeachvillas.com


Ate Irene is one the nicest person I know. She is very accommodating and deserved to be promoted as hotel supervisor. All of the staffs in this resort are extremely nice. Iniwan ko muna sa Manila ang pag uugali kong dugyot at bigla akong nahiya. 

We are staying at Romantic Villas Resort (google it) Ate Irene always gives me extended food (im talking about breakfast because its free) Kapag ubos ko na ang food ko she will automatically gives me another set of meal, for free to mga beshiess waley bayad, libre, limos, give away! Naamoy nya ata na patay gutom ako at hindi ko nginunguya ang pagkain.

Bacon, eggs, fresh juice,salad name it! Thanks Ate Irhene for being so generous and for also taking good care of us! at dahil dyan may hipo ka mamaya- wantusawa.
 


Our bed for 4 days. Lakas maka mag syota ng kamang to. I asked my friend to sleep sa lapag kasi malakas ako humilik which she agreed. Mahirap ng mahipuan ng hindi mo type. #balakadyan



Me watching pornhub. 

This is a loft type and can fit 6 people. This is a villa and not a room. There is also a small patio outside where you can have a drink or makipag plastikan with your friends (see videos later) The loft area can fit 3 people as there are 3 beds up there. 

This villa is ideal for barkada getaway. The price is at 6-8k per night and still depends on the season, aircon dito at may pa dalawang electric fan din sila mem! choosy pa? Majority are foreigners staying here. Afam goals dito mga teh, puros afam! so alam nyo na ha? Itodo nyo na ang pag awra.

Kung gusto nyo makatipid may mga hostel naman sa area, ayun lang banig level at winnie the pooh bed sheet ang hihigaan nyo so gow na kung nagtitipid.


A view of our hotel resort from reception area. The sea may look closer on this shot but because it is low tide it is really far from the shore. Mga benteng tumbling pa at walong limbo rack to reach the sea part mga mem!

The resort has a bar so kahit dito na kayo gumimik during night time. Dito na kayo mag walwal, kausapin nyo ang mga niyog dito baka sakaling mabuhay.

You can also go to Bravo and Kermit kung gusto nyo makipag sosyalan pa at kumerengkeng. 5minute walk lang from our hotel resort. The good thing about Siargao island is you can rent a motorcycle for 500 pesos the entire day. Bahala ka sa buhay mo kung saan mo gusto pumunta. Its all yours, kahit paliparin mo ang motor without a helmet keri! the only disadvantage is waley signal sa ibang part at talaga namang ligaw ang aabutin mo dahil hndi ma access si pareng waze at mareng google maps. So mag isip isip ka muna bago mag rent ng motorcycle ha?

Kung gusto mo namang lumandi i download ang tinder mga paps and mamshies at sandamukal ang foreigners dito at hindi kayo mazezero. Gow!


Our first selfie at Siargao. Ive waited for my friend for an hour para lang sa make up nya. Sasali ata sa Bb. Pilipinas.


This is our first island hopping going to Daku Island. There are packages in the hotel if you want to avail. Nontheless, we chose to have it DIY-ed (or do-it-yourself) that costs us roughly around 2k the whole day for the boat alone.

Pwede rin kayo lumangoy na lang per island kung nagtitipid kayo.

Paalala: medyo malakas ang alon sa ibang part, kaya magbaon ng lakas ng loob at tibay ng resistensya. Wag ng mag make up pag nagiisland hopping dahil iba ang init dito at tunaw agad ang foundation at concealer nyo. Wag ng ipilit mag retouch at wala ding saysay.


At Daku Island (daku means malaki in bisaya, daks sa mga libogerot libogera)

I guess there are hundreds of coconut trees in this island. So why not make the most of taking a picture while Im here daba? Minsan lang ako makakita ng puno ng nyog. Be careful of taking a pictures here as some coconut will just suddenly fall without you knowing. 

Ive heard a woman was declared dead on arrival in a hospital because there were 3 coconuts that fell on her head while doing her selfie. Too bad. RIP. My deep condolences. Heart breaking!


My friend asked me to do this pose which I did and it scares the hell out of me. Mukang shokoy at its finest. Minsan talaga may sapi ako when travelling.

Guys bawal ang maingay sa mga resort dito. Ang mga foreigners dito nagbubulungan kapag nag uusap. Mandatory na dapat ang buka ng bibig mo dito is one inch lang. Mahihiya kang huminga dito sa Siargao sa sobrang tahimik. Library lang talaga ang peg dito, so this place is not recommended sa mga hayok tumawa at parang lumunok ng megaphone kung magkwentuhan. 

Kung kinakailangang mag hand gestures kapag nag uusap gawin nyo kung ayaw nyo ng gulo.

Some souvenirs here in Siargao are pricey. So this cap costs 500 petot. The owner of this shop is now my friend (atleast) and he is just so damn professional to explain the pricing and whatnot- hindi katulad ng iba na parang nakalunok ng baygon makapag react. In a nutshell, Yung quality naman ng cap na to is worth it. So its a yes for me!

There are other stores in Siargao that offer cheap prices as well so hanapin nyo na lang sila dun or better amuy amuyin na lang ang hangin sa Siargao as remembrance.


I wonder why my friend always raise her right foot when doing a pose. Kinaganda nya ata.



The mukang tanga pose under water.

Wag nyo ng bilangin. My bilbil is 4 layers kapag busog and 2 layers pag bagong gising. Daks naman ako mga besh kaya keri.


This is a “kunwari masaya tayo” pose

This is at Guyam Island. Napaka ganda dito mga momshies at papshies. Ihanda nyo ang mga pamatay pose at outfit nyo at talaga namang iiyak sa inggit ang mga insecure nyong kaibigan. Pang 5 years profile pic or cover photo ang shot dito mga mem!

The part where we were standing is mababaw lang yan pero beshies wag masyadong malikot at maharot dahil malalim na ang susunod na steps so kalma lang sa pagpopose, siguraduhin mong hindi mo ikakamatay ang selfie at baka lamunin ka ng dagat.


This is what satisfaction looks like after we pee'd on the pool 😂 

Ang layo ng villa namin sa pool area para magpabalik balik no.




Ito yung nakalimutan ko pangalan ko for 5 seconds sa sarap. This is pork bagnet and one of their specialties sa hotel. This is for 320 petot. Masyadong mahal kaya pati dahon ng saging kinain ko na rin.


Ngiting patay gutom it is!

Ang sarap ng mga food sa resort nato. Parang may mga gayuma silang hinalo. Talagang babalik ka every 2 hours na para kang patay gutom. Parang may kulam mamsh. 

Lakas lang din maka balakang ng mga serving nila- yung good for sharing nila good for isang buong barkada. Kawawa talaga ang mga inidoro sa resort na to.

Tip: Ang pag nguya ng pagkain dito kailangan thirty times bago lunukin. Wag nyo kami gayahin na lunok agad dahil ang lakas maka yagit fountain!


Hindi na kailangan ng filter dito sa Sugba lagoon. Naturalan ang kulay ng tubig dyan- hindi tulad sa iba na pinipilit igreen ang tubig sa photo- muntanga lang talaga parang adik. Wag ganun. Mahihiya ang snapseed, cymera at kung ano anong photo editor nyo dito..

Hindi nyo na rin kailangan i-google ang icacaption nyo dito dahil very self explanatory na! Wag na kayong mag google google pa ng caption ang lakas maka jologs ng mga ganyan!

Again- bawal ang masyadong maingay sa isla ng Siargao at baka engkantuhin kayo dito. Ang pag tawa dito kailangan controlled. Hindi pwede ang yagit fountain attitude sa islang to. So sana umayos tayo.


Cheering for ate na tatalon. She was there for 15minutes at panay ang tili. Muntanga. Sarap itulak 😂







Go Pro hero 4 blurred shot. Pang asar ang go pro minsan ang labo ng kuha o shunga lang ung may hawak ng go pro. On a serious note this place is just so wonderful. 

If youre travelling alone naku besh mahihirapan ka dahil 1600 ang boat rent going here from port area. Ang nangyari pa samen since we were just two, hindi pwedeng makisabay sa mga hindi mo kilala. No choice kami paps and mamsh dahil yung 1600 rent pinaghatian na lang naming dalawa. Gusto kong magwala during this time lol. May pagka sakim ang mga tao sa port akala ata alien kami at bawal makisabay.

So please guys bago kayo pumunta sa port make sure na anim na kayo para hndi magastos. Humanap na kayo ng kasabayan sa tinder, scout, grinder, lahat na ng dating app i download nyo para makatipid. Humablot na kayo ng mga afam sa dadanan nyo kung kinakailangan. Dalee!


This is at Mapungpuco Rocks (hndi ko alam kung tama ang spelling) basta ang alam ko masakit na ang pwet ko sa dalawang oras at kalahating habal habal masilayan lang tong lugar na to. All worth it mga mamshies at papshies wag lang kayo masyadong mag expect ng mga Kayangan lake Coron level, mahirap ma disappoint! 😂

Overall, Siargao island is a must visit! Luluha sa inggit ang mga stalker nyo sa fb at mga inggitero nyong kamag anak kapag nakitang narito kayo. Enjoy kayo guys and I hope somehow na tour ko na rin kayo dito kahit sa mga pictures man lang 😍

P.S- umihi lang talaga ako sa spot na ito. Masyadong malayo ang 1km para sa restroom dito. Oh wag kayong magmalinis. Gawain nyo din yan. Saksi ang mga dagat at pool na inihian nyo. Wag ako.


Ito na nga ang mahiwagang Sugba Lagoon, Ihanda nyo na ang mga outfit nyo at talagang mamatay sa inggit ang mga barkada nyong wala ng ibang ginawa kundi saluhin ang negativity sa buhay. Isagad nyo na ang pang instagram nyo dito. No filter needed na mamsh sa view, yung muka mo na lang iedit mo ng slight.

There are people waiting for me as I striked this pose. Yung nauna sakeng babae naka 200 shots ata sa spot na to. Sarap lang talagang bigwasan at iupper cut ni ate wantusawa. Sya ang salarin kung bakit humaba ang pila dito! Nakaka galet!

This is a 15 feet dive so alam na? wag shunga sa pagtalon ha? unahin ang paa at wag leg landing para iwas pasa. Good luck mga beshies! Laban lang!!



Ito na nga-dahil panay pictures na kami at sasabog na ang memory card ng phone ko sa dami ng solo pics ng kaibigan ko (kapal ng muka) I decided to use my go pro nemen for video. 

Si kuya tour guide ang kumuha at talaga namang he perfectly captured Sugba Lagoon. You cannot see the entereity of the place kasi nasa isang side lang kami pero kita nyo naman siguro ang istura diba? Super duper major alat ng tubig dito parang may sapi so banlaw banlaw din bago umuwi.

Panira lang si ate na nag papaddle ang sarap lang itumba! Umeksena na naman! Humanda ka talaga saken.

Click HD mga paps and mamsh wag shunga.


Oo muka akong sinapian sa shot na to pero all worth it. Sa mga nagtatanong yes naka gold life vest ako dyan. Pwede rin kayong umarkila ng paddle board sa halagang 3hundred petot. 

hindi sa hindi ako marunong lumangoy kaya ako naka life vest, kundi mahal ko pa buhay ko para lunukin ng lagoon na to. This is a 50 feet lagoon (I guess) ano bang malay ko kung ano nasa ilalim nan so hayaan nyo na sige sige maglibang.😂

lakas talaga maka pampam ni ate na nagpapaddle, hindi na nawala sa mga shots ko.


For the full trying hard video of my Siargao Trip, then you may want to click the link below.

https://www.youtube.com/watch?v=TF2idQ78aao&t=1s

Instagram: richsaguiafin
facebook.com/richmond.saguiafin
facebook.com/biyahenirichmond


This at Naked Island.

Ito na nga ba ang sinasabi kong level ng pagka hot 
😂Feeling ko ata wala akong bilbil. May pa sway sway at pag tanggal ng shades pa. Bumabaywatch!

P.S - My Mama says Im cute tho 
😂 Palag ka?

Thank you so much SIARGAO you are a beauty and I'm so hot!

Bonifacio Global City