
Arrived at Real Quezon
province port from 4 hours drive from Manila. This port is the only gateway to
get to Jomalig Island. We were here since 3am at maryosep! Hindi ako na inform
na sobrang daming tao sa port na ito (well atleast this day bec it's a weekend)
Magbaon kayo ng maraming pasensya pag andito na kayo. Parang may fiesta at liga
sa dami ng tao mga besh.
Note that this port also caters other islands at hindi ko alam
kung saan ang iba okay?
We were supposed to leave by 4am and guess what?
Weve left at exacty 9am! Kulang na lang mag super sayan ako sa inis at gusto
kong itumba ang mga salarin kung bakit kami late nakaalis. So lets leave it
there.
P.S- Daig pa ng Port na to ang mga airport natin sa
Pilipinas. Coast guards here are super strict. We need to undergo alot of
security checks, making sure na naka soot ang life vest mo, muka kang tao,
walang maligno at kung ano ano pang hanash ng coast guards.Okay na rin for our
safety.
Hindi yan ang bangka namin! ano parang adik lang?
Malamang yung bangka namin kung saan ko kinunan ang pic. Wag namang shunga
shunga oh. Yung mga bangka papuntang Jomalig mas maliit dyan so wag kang mag
hallucinate.
By the way, Sa mga nagbabalak magdala ng sasakyan
ni wag nyo ng tangkaing ituloy dahil baka ito pa ang maging mitsa ng hindi mo
pagtuloy sa Jomalig. Kung may parking man laging puno unless gusto mong ipark
sa bundok. If I were you its a big NO! para iwas hassle na rin. I've never
regretted na hindi ako nagdala ng sasakyan. Stress free indeed!
How to commute going to Real, Quezon? Jot it down
mga kabagis!
Hanapin ang Raymond Transportation sa bus terminal
sa Legarda Manila- They have daily trips there, I am not sure with the time.
Pati pa oras ako?? and thats it!

Saan nga ba ang Jomalig
kasi? This map will show you where exactly this island is, and besh dont be so
relaxed as the journey going here is not a joke.
This is a 5 hour boat ride from Real Quezon Province. Oo!
Narinig nyo ng tama! 5 hours boat ride one way! Kung meron kang sakit sa puso,
anxiety attack, masukahin, mukang sabog then this trip is a no no for you.
The boat will pass by the Pacific Ocean at talaga namang ang
alon hindi ka sasantuhin. Papakin nyo na ang bonamin, advil, biogesic, lahat na
ng gamot sa hilo lunukin nyo na bago kayo sumakay ng bangka. Ipaligo nyo na rin
ang white flower at efficasent oil much better.
Siguraduhin mong nanalangin ka na sa maykapal bago
makipag sapalaran sa malalakas na alon. Gusto natin to diba? diba?? so magtiis
kaa!
We were just 10minutes after
we left Real Quezon port but the waves are kinda malakas na. So paano pa sa
gitna mga papsh and mamsh? Salamat sa tutubi na gumabay saken while capturing
this video. Hindi ko alam san yan nanggaling but it is very timing that he made
dapo to my hand.
4 hours and 50 minutes journey starts now! 😂(sarap ko sapakin sa taglish ko talaga)
P.S- Uunahan ko na kayo- malakas ang alon lalo na pag andun na
kayo sa pinaka gitnang part. Wala kayong makikitang mga isla sa parteng yun,
tanging karagatan lang ang matatanaw nyo. Wag kayong magpanggap na tulog dahil
alam ko deep inside takot kayo at nakikiramdam. Ingat mga besh. Pray ha bago
umalis!
Lets pray for all brave souls who passed away last
December 2017 on their way to Polilio Island (Polilio is only 2 hours boat ride
from Real Quezon Province) Unfortunately, lumubog ang boat because of big
waves. Rest in Peace mga kapatid!

Just so you know, the boat has patio, balcony,
terrace or whatever you call it (both sides) If waves are not malakas, you can
stay here at mag muni muni. Kausapin nyo na rin ang karagatan ng Pacifico kung
hindi ka makatulog sa byahe. Wag nyo ng tangkaing magpapicture at umawra dito
dahil mem! talaga namang isang maling hakbang mo lunod ka. So kalma na lang at
magnilay nilay.
Along the way, ang alon pumapasok sa loob so we needed to close our boat
windows kung gusto pa namin mabuhay which we politely did.
Wear your life vest mga mamsh and papsh the whole trip, Kahit na yung ibang
life vest amoy taguro, alam mo yung amoy kulob? Tiisin nyo na lang! wag ng
magpakasosyal at walang lugar sa Pacific Ocean ang mga ganyang pag uugali.
May pakain sa bangka dito besh oh yes! May pa lunch sila mayor! Medyo kabado
lang ako dahil may stove sa bangka at may gasul. Susme! talaga namang pinag
pray over ko ang gasul na kumalma lang the whole trip.

As I was saying. This boat is just so mysterious!
lol This boat can fit 80 people including our baggages. Hindi ko rin alam
talaga kung paaano at bakit magkakasya ang 80 people dito as this looks
smaller, pero gayunpaman nagkasya kami. Magic it is!
The boat has a loft area where I guess 30 people can also fit. The people who
stayed up there were all nakahiga. Bawal tumayo besh, kailangan mong humiga
lang at hayaan mong ipag hele ka ng mga alon ng dagat Pacifico.
This picture will show you how to get up there and how to get down as well.
Hindi uso ang hagdan dito mem! Drum ang labanan dito, so kung naiihi ka along
the way you need to pass by this drum to get where the bathroom is. One wrong
move and you're dead at nag aantay ang mga pating sayo. Kung kinakailangang mag
rappel gawin mo. There are sharks here! Peksman. Mamatay ka man!

Aleluyaaaaaa! Salamat Lord! After almost 6 hours
boat ride nakarating na kami sa isla ng Jomalig, at talaga namang hahalikan mo
ang buhangin dahil naitawid namin ang mga alon na galit na galit. Yung muka ko
dito biglang manas, sa lakas ba naman ng hangin for 5 hours what do you expect?
para akong pinasakan ng siopao sa pisngi.
It should be 5 hours travel lang pero along the way may nasiraan na dalawang
bangka and oh my holy macaroni! kami ang humila sa dalawang bangkang sira ang
makina. Muntanga talaga!
Yung kaba ko, pakiramdam ko yung kaluluwa ko parang nabaliw. Papaano mahihila
ng isang bangkang may otchentang pasahero ang dalawa pang bangkang may tag
otchentang pasahero sige nga? Ano kami titanic? Halos tawagin ko si Lord ng one
hundred times at napa life vest kami lahat sa takot. Mabuti na lang those boats
are being guided over Polilio Island at mag isa na lang kaming gumora sa
Jomalig.
Hindi sa pag aano ha syempre labs ko din sila kaya lang mas labs ko buhay ko.
Sayang ako if lalamunin lang ng dagat 😂
I feel sorry for those people who were on those boats pero kailangan na naming
mauna. So kita kits na lang sa Jomalig mga parekoy! 😍
P.S- Jomalig pronounce as ho-ma-lig wag shunga ha.

The
usual island hopping can be done via boat or via habal habal, and of course we
chose to do this way dahil mahal pa namin ang mga buhay namin para lunukin ng
Pacific Ocean.
The view while on your way is superb. It looks like mini
Batanes. Napaka relaxing. amoy puno, amoy sariwa, amoy singit, amoy probinsya
at amoy kili kili ni kuya habal driver 😂
This
is our first stop at Canaway! This place is just so wonderful that you will
forget those negative vibes while we were on our way going here. The sand is
gold white and the water is blue on this side.
I didnt edit this pic, at hindi ko rin kasalanan kung
maganda ang camera ng phone ko so wag na kayong magtaka!
Mahihiya ang adobe photo shop nyo dito. Naturalan ang
tubig na ganyan sa isla ng Jomalig. You can swim here pero this time napaka
init at talaga namang nilunok ko na naman ang sun block to be safe.

This
is still at Canaway island on a different side. My friend who took this shot
was at the top of a rock. The view at that rock was just so breath taking as it
will give you a sneak peak of big waves from the Pacific Ocean. Dont worry, the
waves wont get on where this island at. There are natural barriers that prevent
the waves for whatever reasons. So isagad nyo na ang mga awra pose niyo dito.
Hubarin nyo na yan mga besh, ipakita na ang singit, cleavage, mga lubot gow!
mag tumbling tumbling na rin kayo sa buhangin na yan. Labaaaannn!

This
is where my prior shot was taken. This is a rock where you can have a view of
Canaway. Ito talaga ang mga oras na gusto mong lunukin ang tubig dagat sa
saya.
This island alone is magnificient! Parang nakikisama ang
sand bar sa mga tao dahil very kalma sila and I guess during high tide mawawala
na ang sand bar, so samantalahin nyo na ang lugar na to from 9am to 2pm. Ibigay
todo nyo na ang pang profile pic or cover photo nyo for 5 years daleee. Mag
story story na rin kayo sa instagram sa spot na to tutal gusto nyo laging kayo
ang bida gow!

Sand
bar at Canaway Island and this is very self explanatory! My friends on the
shore (right side) are having a good time sun bathing. You can also rent a boat
to pass by on sand bars for 10pesos. This is optional sa ayaw mabasa. Muntanga
kaya ka nga nag beach diba? Yung mga nagbangka para talagang ngumat-ngat ng
moth balls. Medyo nakakairita! lol
The water is waist deep to get on where we at.
Mag ingat sa mga talangka lalo na sa batuhan at
nangangagat ng mga singit yun..Nakagat ako malapit sa yagballs so I know the
feeling and I know the pain. It hurts you know?
This
is at Salibungot Beach.
My co mountaineers who always have the adrenaline to
make the most of our time when we travel.
P.S- nakadamit na sila sa shot na to pero kanina walang
soot ang mga yan for their instagram shots 😂

This is at Pamana island and it is also known as
the mini Boracay of the North. The island looks like station 2 in Malay Aklan
minus the establishments of course and the famous D Mall.
I was so happy to know that such place exist! In a nutshell, there are no
foreigners here! First time to witness an island with no afam! Not sure if
thats a good thing or bad thing but this island is really a mustvisit. Hindi
dito pwede ang afam goals nyo mga besh dahil mazezero kayo dito, so focus na
lang at enjoyin nyo ang mga isla.
P.S- walang silbi ang dating app nyo dito mga mamsh at papsh so matutong mag
self control at wag ng lumandi. Walang signal dito at talaga namang kakausapin
mo na lang ang dagat at mga puno ng niyog. Kalimutan muna ang tinder, scout,
grinder, meet me at kung ano ano pang mga kalandian nyong mga apps pansamantala
or better i uninstall muna at namnamin ang ganda ng Pamana Island. Enjoy
beshies!
Pasegway ulit mga kapatid! Para sa katawang Kim Chiu please visit my website at saguiafinsdelights.com at
umorder na kayo ng detox juices! Marami ng pumayat dito wag kang ano kaya itry
mo na! Daleee!

Enjoying
the green water with the gang. Pakiramdam namin solo namin ang buong isla.
White sand din dito mga papsh and mamsh at marami ding buko dito so gow na kayo
dito dalee bago na naman dumugin ng mga turista to.
Surprisingly, the water here at Jomalig is not super
salty. Hindi tulad sa iba na parang may kulam sa sobrang alat. Behind us, laot
na yan so hinay hinay sa pag swim ha baka lamunin ka ng dagat. Wag rin
masyadong pabida sa pagpapapicture at baka hindi ka matancha ng Pacific Ocean
at bigla kang kainin. So dito lang tayo sa green part area.
My nipples are just so dark
that I needed to make it pink when I get back home in Manila 😂
Any suggestions kung paano?
Ito na yung duyan na
nakasampa sa buhangin. So kung ang bewang mo is 42 wag na wag kang sasakay dito
at tutumba ang niyog. Para mo ng awa!
Disclaimer: Pa iba iba ang panahon dito. Pwedeng maaraw
mamaya at bagyo later so please make sure that you have a water proof bag to
keep your gadgets dry.
Gaya ng sabi ko when I was in Siargao- wag na wag kayong mag
google google ng caption sa mga pictures nyo. Anlakas maka timang ng ganyan!
Ang lakas maka yagit! Maging natural sa caption, yung tipong isang hashtag lang
at wag paragraph na halata namang hindi galing sa utak mo. Wag nyo na ring
sundutan ng mga bible verses ang picture nyo dahil hindi ikakabanal yan! So
please umayos tayo.

I forgot the name of this
place. When I travel I dont care where Im at. I just enjoy the feeling of being
on that place. #damingalam Kudos to sir Carlos Antonio for taking good care of us!
This team is called the National Geographic! lol we were just
so damn curious about things. We talked about aliens, outerspace, mysteries and
the like. Mantakin mo ba namang napag usapan pa namin kung nasaan na si Amelia Earheart?
Sabog lang diba? 😂
Guys- on a serious note Jomalig is an island where
you can bring your friends, lovers, family and spend quality time. This island
is so peaceful at makakalimutan mo pansamantala ang problema mo sa buhay. Pwede
nyong isigaw ang mga problema nyo kasabay ng alon, pwede rin kayong magwala,
magwalwal mag yawyaw, gawin nyo na lahat! Pwe!

At Golden Sand Beach.
Enjoying the gold sand here when suddenly I remember wala na
pala akong cash. Mukang kakain na ako ng damo mamaya.
Naalala ko walang atm dito mga besh. Wala ding eps
transaction or whatnot. The electricity here at Jomalig is by schedule. Our
resort will have a power starting 1pm to 1am. Not bad, I am not sure with other
resorts tho.
Magdala na kayo ng maraming cash dahil marami rin namang
mabibili dito but dont expect too much on the goods. Pang tawid lang keri na. I
full charge nyo na rin ang mga power banks nyo kung gusto mong macontact ka ng
mahal mo sa buhay. Pa sundot sundot ang signal dito so mag sasayaw sayaw ka na
lang kada island at baka sakaling magka signal.

Ito na naman ang panirang
ulan. Dahil nga located ang island nato sa karagatan ng Pacifico masyadong
maulan. Mayat maya. Parang may sapi yung mga ulap dito. Ang mga puno ng nyog
dito talaga namag nag rorock and roll sa lakas ng hangin. Isama nyo sa prayers
nyo na magpakita si haring araw at i-pag pray over nyo na rin ang mga kasama
nyong parang kampon ng kamalasan.
You can stay at this island as long as you want. Bring your
own food dahil wala masyadong tinda dito. Tanging fresh buko juice lang ang
bubungad na paninda dito. I-bottoms up mo kung trip mo. Dont compare Jomalig to
those islands that you've been to. Jomalig is entirely different. Parang may
sapi at the same time unforgettable. Basta masaya!
FYI: BER months are not ideal dates for you to get
to Jomalig. According to some locals masyadong malalakas ang alon during those
times that some trips took 9-10 hours boat ride one way to get here. Patayan
talaga! So alam nyo na, iimpake nyo na yang mga gamit nyo ngayon palang! Sugod
na kayo dito bilissss!

Gold ang buhangin besh sarap
isangla! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong buhangin at talaga namang
magbubulsa ka talaga as remembrance.
I have to add. The habal habal ride will be at 2hour ride
(stops in between dahil masakit sa pwet) Kung virgin ka mahihirapan ka pero
kung hindi alam na? 😂
Majority of the islands here are virgin pa (like me) Maaring
hindi pa napupuntahan o napapasok (uh! uh!) dahil nga nuknukan ng layo.
There is no other Philippine island after Jomalig. The next place after Jomalig
kapag tinahak mo ang Pacific Ocean is Hawaii na. I'm not hundred percent sure
but I wanted to let you know na somehow ito na ang pinaka dulo sa right side ng
Pinas and its indeed a must add to your bucket list!
Paniguradong luluha na naman sa inggit ang mga
kaibigan nyong insecure kapag nakitang andito kayo so gow na dito dalian nyo
naa!

Manyakis look.
You can bring food here at Pamana Island so I strongly suggest you bring your
packed lunch which we didnt do dahil nagmamadali na kami at late na nagising
from last night plastikan with friends. Pwede nyo ring ituloy yung plastikan
nyo dito habang nag bubuko juice kayo.
Normally, the island hopping will start at 9am and thats until 5pm or kung may
lahi kayong kulto sige isagad nyo sa gabi. Bala kayo.
P.S- please dont expect a comfy bathroom across all resorts here. Hindi
mangyayari yan. All bathrooms in this island are plywood level meaning pwede
kayong masilipan. So wag din hubot hubad pag maliligo. Feel na feel lang na
nasa bahay teh? Magtira kahit nipple tape just to be safe.
There are times na pati ang pag igib mo ng tubig ay diy or do it yourself mem.
Iwanan nyo sa Manila ang pagka maarte nyo kung gusto nyong maka survive dito.
Okay?

These two kids are just so
cute! They are english spokening (with accent) Dumugo ang ilong ng mga habal
drivers sa mga batang to. At the early age they are adventurous! Kasama namin
sila sa buong trip! So isipin nyo na lang to. Kung kaya nila, ano kayo? Mga tae
tae? 😂 Pinanganak
atang mandirigma tong mga to.
I wish to have kids like them in the future. So cute at
napagkamalan pa akong ninong nila. See you soon babies! Kiel (guy) is 4 years
old while Kaela is 6. Pake nyo naman diba? 😂

Favorite spot ko talaga to sa Canaway Island.
Nakaka ulol yung view. Nga pala you can do camping at Jomalig especially doon
sa mga resorts na may bakanteng lote. Also, children at this island are
extremely nice. They will all say hi to you when your habal habal passes by.
Nakaka teary eyed lang that these kids warmly welcome us and they look so
contented on the little things they have. Locals herereally deserved to be
taken care by our Government.
Jomalig can be considered as "stranded island'. Thing is- Coast Guards
will automatically cancel a boat trip if the waves are malakas. There are
cancelled trips from yesterday due to weather issue so mabuti na lang hindi na
cancel ang samen.
If you're planning to go here pls anticipate a cancellation on your way home.
There is no guarantee for a return trip. So mag leave kayo ng matagal just to
be sure at hindi kayo mag nga-nga-ngawa sa mga kasama nyo kapag hindi kayo
nakapasok sa work.
I-plot nyo na yung mga leaves mong convertible to cash. Ganun din yun!
babayaran ka din naman gusto mo pang ipunin? Pag yan na forfeit sa kaartehan mo
sinasabi ko sayo. Gamitin ang common sense when travelling.

This is at Lonely Tree.
I somehow felt emotional with this place. Its a mixed emotion actually. I
wonder if this tree is happy because he is alone or he is really lonely. We
dont know! Pati talaga puno dinamay ko sa mga emote emote ko. 😂😁
On a good note, I guess this tree is happy, dahil biglang may signal dito sa
spot na to at biglang nagka mobile data. Oh yes! Nakapanood ako ng porn hub.
Tumambay talaga ako ng bery bery light.
Mga besh ilimit nyo naman ung mga shots nyo sa spot na to. Wag nyo ng pahabain
ang pila, tama na ang 3 shots with different pose! Wag masyadong makapal ang
muka! Pabida teh? Yung nauna saken dito balak pang umakyat. Sarap talagang
hagisan ng piccolo.
Another breath taking experience here at Jomalig.

My famous "jump shot habang umiihi pose"
Oh nagmamalinis ka na naman. Yung galawan mong kunwari
maliligo muna ako sa dagat if I know iihi ka lang. Wag ako ha. Yung iba
nuknukan ng kadugyutan at tumatae pa nga. Saksi ang mga underwear nyong may
buhangin pa sa mga pag ihi nyo sa mga dagat so please wag ako. Tampalin kita e 😂

So bakit ba ako naka jacket?
Besh! Wag shunga. Una pumapasok ang alon sa bangka at talaga namang wet na wet
ka. Pangalawa, pakialam mo ba?🤣
Bat ba ako naka top sider imbes na tsinelas? Ay mem ang
buhangin sa Jomalig kakaiba! lulubog ang paa mo every tapak as in lubog ng 2
inches, alam ko walang konek pero bat ba hayaan nyo na sige sige maglibang 😁
Things to ponder before going here.
*Bawal ang maarte, hindi ka importante sa islang
to.
*Bawal pasosyal-pinapatay dito ang mga pa
sosyal.
*Bawal ang matatakutin. Walang mangyayari sayo
*Bawal ang kill joy. Magmumuka kang outcast
*Bawal ang sobrang ingay- bibigwasan ka ng mga
campers dito
*Bawal ang patay gutom. Dahil wala masyadong
mabilhan ng pagkain dito.
*Bawal ang sobrang tagal maligo dahil maraming
susunod sayo.
*Kapag maliligo matutong mag igib sa poso. Maawa
kayo kay kuya na taga igib sa atin especially at Madis resort on where we have
stayed.
FYI- Ang mga kama dito sa mga resorts ay nasa lapag
lang pero may kutson naman. As far as I know- walang private bathroom dito,
Talagang pipila ka everytime you need it. May mga times na talagang mag iigib
ka sa poso pambuhos, panligo, pansipilyo or whatnot. So kung nuknukan ka ng
pagka social climber then Jomalig is not for you.
Below is the contact details of the resort on where
we have stayed. Tawagan nyo na dale at laging fully booked to!
Madis Island Beach Resort:
Contact number: 0909--025-6147 or 0995-879-4894
Enjoy mga besh!
Ito na nga at talagang hindi
ko ma contain ang saya ko at nagwalwal talaga ako dito. Ang tingin ng mga tao
saken para akong sinapian. Lakampake!
Pagod na ako to video blog mga besh so pipi mode on muna ako
for this trip. 😂 Enjoying a 360 shot here at Pamana Island at Jomalig.
Click HD wag shunga.
Habal habal camcording.
Be very mindful about sa mga dinadaanan nyo kapag nasa habal
kayo. Maraming masisikip na areas na tatama na lang sa ulo nyo ang mga sanga at
puno so please be very extra careful kapag nagseselfie at baka ikamatay nyo.
Wag din masyadong maingay sa habal at baka ma nuno kayo. Amuy amuyin na lang
ang sariwang simoy ng hangin habang nasa byahe.
There is no gasoline station in this island which means sa
tindahan sila nagpapagas. Oh yes, nawindang ako dahil ang lagayan ng gas red
horse mucho! very epic! Alam ko wala kang pake pero sinasabi ko lang. In short
wala masyadong tinda dito. Matutong kumain ng damo at bulaklak kung
kinakailangan.
Napaka lakas
ng hangin at talaga namang nagbabadya na naman ang ulan. Pagtyagaan nyo na lang
panoorin wag ng maraming hanash.
Thanks Jomalig, you are a beauty! and I am so hot! 😂
Follow nyo ko sa mga kabaliwan ko:
Instagram: richsaguiafin
Facebook.com/biyahenirichmond
richmondtv.blogspot.com